Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

HEPE NG LUCENA PNP, MAY HAMON PARA SA LAHAT NG MGA KAPITAN NG BARANAGAY SA LUNGSOD

P/Supt. Reydante Ariza Nakasalalay sa mga punong barangay na nagsisilbing little mayor ng kanilang komunidad ang tuloy-tuloy na pag-un...

P/Supt. Reydante Ariza

Nakasalalay sa mga punong barangay na nagsisilbing little mayor ng kanilang komunidad ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng lungsod sa aspeto ng katahimikan at kaayusan kaya naman hinamon nghepe ng lucena pnp na si p/supt. Reydante ariza ang mga opisyales ng brangay lalo’t higit ang mga kapitan na mas  paigtingin pa ang kampanya laban sa kriminalidad at  iligal na droga sa kani-kanilang mga lugar

Ang mga ito raw kasi ang nagsisilbing first line of defense dahil ang mga ito ang nakakaalam at nakakakilala ng mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot  sa kanilang lugar.

Ayon kay ariza, isa ang lungsod ng lucena sa pinapasok ng mga drug pushers mula sa iba’t-ibang lugar kaya naman simula nang maupo siya bilang hepe ng lucena pnp dalawang buwan na ang nakalilipas, agad niyang hiningi ang suporta ng mga kapitan ng bawat barangay.

Anito, kailangan na tuloy-tuloy na mahikayat ang  mga biktima ng droga na tapusin ang programa ng kapulisan na simula ng pagbabago o sipag na siyang magiging daan upang matulungan ang mga itong magbagong buhay.

May ilan-ilan raw kasing surenderers sa oplan tokhang ang tumatalikod upang bumalik sa dating gawi.  Bagay na nagsisilbi umanong malaking hamon para sa lahat ng mga opisyal.

Kaugnay nito ay binigyang diin ng hepe ang kahalagahan ng pagpapatibay ng barangay anti-drug abuse council o badac sa bawat komunidad. Sa pamamagtian umano nito ay  mas magiging malakas ang pwersa ng kanilang grupo laban sa nasabing kampanyadahil magmumula sa barangay level ang unang aksyon. Ngunit imbis umano na pagtibayin ang naturang depensa, ginagamit pa ng ilang mga opisyal ang kanilang kapangyarihan at posiyon upang  protektahan ang mismong mga kamag-anak na sangkot sa pagamit at pagbebenta ng shabu na malaking hadlang sa pagkamit ng tunay na  katahimikan at kaayusan saan mang lugar.

Dagdag pa nito, hindi maglalaon, 21 na sa 33 barangay sa lungsod ang maidedeklarang drug-cleared barangay ng philippine drug enforcement agency kaya naman magsilbi raw sanang malaking hamon ito  para sa mga kapitan ng natitirang 12  barangay upang dobelehin ang pagsusumikap at mas palakasin ang pwersa ng  badac sa kanilang lugar.

Tinitiyak rin ng hepe sa lahat  ng mga lucenahin na hanggang sa huli ay makakaagapay ng lokal na pamahalaan ang lucena pnp sa nasabing kampanya. Samantala, hinikayat rin ni ariza ang bawat mamamayan na  makipagtulungan sa pulisya dahil sa huli, ang laban sa droga ay laban ng bawat-isa.(pio lucena/c.zapanta)




Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.