Kahit pa man napakaraming christmas party ang pinupuntahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay dinaluhan nito ang isinagawang christmas p...
Kahit pa man napakaraming christmas party
ang pinupuntahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay dinaluhan nito ang
isinagawang christmas party ng holy spirit subdivision home owners association
kamakailan.
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa
covered court ng naturang subdivision sa bahagi ng Barangay Mayao Crossing.
Mainit naman ang pagtanggap ng mga
residenteng naroon sa punong lungsod sa pangunguna ng kapitan nito na si Zosimo
Macaraig at ilang mga kagawad nito.
Kasama rin ni Mayor Dondon Alcala sina
aspiring Councilor Engr. Jose Ona at Benito “Baste” Brizuela.
Sa naging pananalita ng Alkalde, humingi ito
ng paumanhin sa lahat na naroong mga residente, dahilan sa sila ay ginabi na ng
dating sapagkat aniya ay nakasabay ng mga ito ang christmas party ng mga
coordinators sa lungsod.
Ayon pa dito kahit naman gabi na ay hinding
hindi niya puwedeng hindi pasyalan at daluhan niya ang christmas party ng mga
ito.
Pabiro pang binanggit ng punong ehikutibo na
noong nakaraang taon ay sa pag-uwi niya sa kaniyang tahanan sinipon siya
pagkagaling sa aktibidad.
Dahilan aniya noong ay wala pang bubong ang
covered court nila, pero ngayon aniya ay kahit na abutin sila ng madaling araw
ay hindi na sila magkakasipon.
At ang naturang basketball court ay isa sa
pinakamaganda sa Barangay Mayao Crossing.
Kaya naman ay pinasalamatan nito sina
Congressman Vicente “Kulit” Alcala at dating DA Sec. Procy Alcala, dahilan sa
ang mga ito ang tumulong para sa pagkakaroon ng naturang bubong ang covered
court.
Nangako rin si Mayor Dondon Alcala na sagot
na ng pamahalaan panlungsod ang pagpaparepaint ng basketbulan sa lugar.
Samantalang sinabi rin nito na sa susunod na
taon ay magkakaroon ng inter-purok at sa covered court na iyon gaganapin.
Natuwa naman ang mga taga holy spirit home
owners association sa magandang ibinalita ng butihin Mayor Alcala sa kanila at
nagpasalamat ang mga ito sa Alkalde.
Isa lamang ang christmas party na ito na dinaluhan ni
Mayor Dondon Alcala na ang tanging hangad ay makadaupang palad ang mga
mamamayan Lucenahin. (PIO-Lucena/J. Maceda)