Editorial Inihahandog ni Catriona Gray na “best Christmas gift ever” ang kanyang pagkapanalo bilang Miss Universe 2018 para sa 10...
Editorial
Kinoronahan si Catriona bilang Miss Universe sa IMPACT Arena, Bangkok, Thailand noong December 17 simula noon at magpa hanggang ngayon ay walang humpay ang mga papuri sa kanya hindi lamang ng mga kapwa niya Pinoy at pati na rin ng kundi pati na rin ibang lahi.
Si Catriona ang pang-apat na naging Miss Universe mula sa bansa kasunod nina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Ang mensahe ni Catriona Gray sa mga Pinoy ngayong Kapaskuhan: “Isapuso ang diwa ng pagbibigayan”.
Ano ang Tunay na Kahulugan ng Diwa ang Pasko? Ito ay panahon ng pagbibigayan, pagmamahal at pagpapatawad.
Bumalik na ng bansa si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa Thailand ilang araw makaraang makuha ang korona sa naturang kompetisyon.
Ayon sa ulat, si Catriona ay sakay ng isang pribadong jet at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport. Mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa pagbabalik ni Catriona.
Ayon kay Catriona, dapat buksan ang puso sa kapwa, sa isang cause at kawang-gawa na malapit sa iyo. Sa kanyang brief homecoming ay nakadaupang-palad niya ang ilan sa mga beneficiaries ng kanyang Tondo-based charity house – ang Young Focus Philippines.
Dagdag pa ni Catriona, ang Pasko ay dapat i-enjoy ng lahat kahit nasaan ka man, saan ka man galing o kung anuman ang mayroon ka. Ito ay panahon para sa pamilya at pagpapatawad. Sa Disyembre 20 ang inaasahang courtesy call ni Catriona Gray kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.
Wala pang detalye ng gaganaping motorcade at TV appearances ni Catriona sa maikling panahon ng kanyang pamamalagi sa bansa.
Tinanong din si Catriona kung saan siya magdiriwang ng Pasko, at aniya: “Di ko alam pa. As long as I’m with my family, masaya ako.”