Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang Food Fair ng mga miyembro ng Rural Improvement Club si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamak...
Ginanap ang nasabing aktibidad sa harapan ng Lucena City Government Complex na kung saan ay nabahagi rin dito si City Agriculturist Melissa Letargo.
Nilahukan naman ng 12 mga miyembro ng RIC s lungsod ang naturang aktibidad na ginanap bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Maria Orosa Day.
Kinabibilangan ng Barangay Ilayang Dupay, Ransohan, Ibabang Dupay, Mayao Kanluran, Ibabang Talim, Mayao Crossing, Domoit, Mayao Silangan, Bocohan, at Ilayang Iyam.
Sa nasabing aktibidad, ipinakita at ibinahagi ng mga nakilahok dito ang kanilang livelihood project na kanilang natutunan sa mga tauhan ng City Agriculturist Office na kung saan ay siya ngayong pinagkakabuhayan nan g mga ito.
At bilang pasimulan ang naturang okasyon, magkatuwang na ginupit nina Myor Dondon Alcala at City Agriculturist Melissa Letargo ang ribbon dito bilang hudyat na ito ay bukas na sa publiko para mamili ng mga paninda ng mga nakabahagi dito.
Matapos ang ribbon cutting, isa-isa namang tinungo ng alkalde ang mga booth ng nakisali dito upang tingnan ang kanilang mga paninda at upang makapagpakuha na rin ng larawan sa mga ito.
Samantala, binigyang pasasalamat naman ni Letargo si mayor Alcala dahilan sa patuloy na ppagsuporta nito sa lahat ng mga programa at proyektong kanilang inihahatid sa mga miyembro ng RIC sa lungsod.
Gayundin, lubos rin niyang pinasalamatan ang lahat nakibahagi sa okasyong nabanggit at nagkaroon rin sila ng pagkakataon na ipakita sa mga Lucenahin ang kanilang natutunan sa mga itinuro ng mga tauhan ng CAO.
Ang pagsasagawa ng ganitong programa ng mga tauhan ng City Agriculturist Office ay upang bigyan ng maayos na pangkabuhayan ang mga Lucenahin at ito ay sa pamamagitan ng kanilang livelihood programs na sa ngayon ay lubos nang pinakikinabangan ng mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)