LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pangunguna ni Executive Assistant III Arnel Avila na kumatawan sa Chairman ng City Advisory Council na si Ma...
Dumalo rin sa pagpupulong si Deputy Chief of Police Chief Inspector Marcelito Platino na nagpahayag ng pagkagalak sa patuloy na pagkakaisa ng mga myembro ng advisory council. Anito, ang mga obserbasyon at suhestyon ng bawat-isa ay makatutulong upang mas mapaigting at mas mapagbuti pa ang paggampan ng mga kapulisan sa mandatong pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa lungsod.
Nagbigay rin ng update ang hepe ng Lucena PNP na si P/Supt. Reydante Ariza hinggil sa peace and order situation sa lungsod na sinundan naman ng panunumpa ni Atty. Victor Tantuco bilang bagong kasapi ng advisory council para sa sektor ng legal na tagapagpayo.
Naniniwala ang council na makatutulong nang malaki ang maibibigay nitong legal advises sa mga kapulisan na siyang pagbabasehan ng grupo pagdating samga ipinatutupad na polesiya.
Ibinihagi rin ni Francia Malabanan, hepe ng CADAC, na siyang naging representative sa ginanap na 4th national advisory summit kamakailan ang ilang mga suhestyon at kaalaman na kaniyang napulot sa nasabing aktibidad.
Ayon kay Malabanan, kailangan umanong pag-aralang mabuti ng mga kapulisan ang kanilang mga tungkulin nang sa gayon ay matiyak na walang aspeto ang naiisantabi. May mga pagkakataon daw kasi na sa pagsugpo ng mga ito sa mga krimen, naiisantabi ang moran na aspeto bagay na kapag nangyari ay maaaring pagsimulan ng korupsyon at mga iligal at imoral na gawain.
Ibinahagi rin nito ang ilang mga programa ng ibang lokal na pamahalaan na maari rin umanong gawin at pasimulan sa lungsod.
Iminungkahi rin ni Malaban na bukod sa mga accomplishment ng PNP dapat ring ilahad ng mga ito sa council ang kinakakharap nilang problema nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang solusyon ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga resolusyon na pwedeng tumugon sa kanilang mga pangangailangan.
Dapat rin umanong mag-ulat ang mga ito ng annual plan, annual program at annual budget para sa buong taon nang sa gayon ay malaman ng council kung saan at aling apseto ang binibigyang prayoridad ng mga ito.
Upang mas mapagbuti naman ang paggampan ng bawat kapulisan sa kanilang mga tungkulin, iminungkahi rin ni Malabanan na magsagawa ng workshop para sa mga ito. Sa pamamagitan umano ng workshop ay mananariwa sa mga kapulisan ang mga basic na bagay na naeencounter ng mga kapulisan sa pagpeperform ng kanilang mga duties para malaman ng adivisory council kung ano ang souluyon na pwdeng gawin. (PIO Lucena/C.Zapanta)