Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL NICK PEDRO, IMINUNGKAHI NA PAG-ARALAN ANG PAGBABAGONG MUKHA SA MGA ESTABLISYIMENTO SA KAHABAAN NG HEROES LANE

Marami ang naniniwala na malaki ang potensyal sa kahabaan ng monumento ng mga bayaning Filipino bilang tourism spot sa Pleasant Ville sa bah...

Marami ang naniniwala na malaki ang potensyal sa kahabaan ng monumento ng mga bayaning Filipino bilang tourism spot sa Pleasant Ville sa bahagi ng Barangay Ilayang Iyam.

Ito ang ilan sa mga nabanggit ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro sa kaniyang pribelihiyong talumpati kamakailan sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod.

Ayon kay Konsehal Pedro, sa kaniyang pag-uubserba sa ginanap na selebrasyon ng ika-155 taong kapakanakan ni Gat Andres Bonifacio at ang unvieling ng monument ni Gregorio Del Pelar.

Sa kaniyang pagmumuni muni ay sumagi sa kaniyang isip ang bayan ng Vigan sa Ilocos Sur kung saan aniya ay naipagmalaki nila ang mga lumang istruktura ng bahay at gusali na isa sa ngayon tourist spot sa bansa.

Kaya naman bilang Chairman ng Oversight Committee iminungkahi ni Konsehal Nick Pedro sa kapulungan na pag-aralan ang pagbabagong mukha sa mga establisimiento sa kahabaan ng Heroes Lane.

Ayon dito ay maaari aniya na maglagay ang mga may-ari ng negosyo sa lugar ng mga historikong tema ng pamayanan bilang komlimentasyon sa mga nakatayo nang mga monumento ng kabayanihan ng mga Filipino.

Sinabi rin ni Pedro, na sa paglalagay na ito ng mga hestorikong tema sa bawat establisyemento sa lugar ay baka umano ang mga sagisag ng kabayanihan at ng kasaysayan ay maging potensyal na turismo sa Lungsod ng Bagong Lucena.

Samantalang idinagdag pa ng konsehal, na pag-aralan din ang pag-determina sa dapat aniya na pangalan ng lugar sa Pleasantville na Bonifacio Bouleverd o Heroes Lane kung alin aniya ang higit na marapat angkupan ng Ordinasa bago man o ng pag-aamyenda.

Sa maikling deskusyon sa huli ay sinang-ayunan naman ng mga kasamahan niyang konsehal ang kaniyang mungkahi. (PIO-Lucena/J. Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.