Sa pagnanais na mas matulungan ang mga mamamayan partikular na ang mga kabataan na mas malinang at mahasa pa ang kanilang kaalaman lalo’t hi...
Ang naturang bookboxes ay naglalaman ng dalawampung libro at limang malalaking children books na siyang magagamit ng mga daycare workers sa kanilang pagtuturo sa mga kabataan.
Kabilang sa mga paaralang nabigyan ng mga bookboxes ay ang Kiwanis, Marketview at Brgy.4 Child Development Centers.
Ang tatlong nabanggit na paaralan ay ang mga nanalo sa katatapos lamang na aktibidad na Philippine Folk Dance Contest, na bahagi ng pagdiriwang ng lungsod sa buwan ng mga kabataan.
Sa kasalukuyan ay nasa tinatayang apatnapong mga kahon na naglalaman ng mga babasahing aklat na ang naipamigay sa iba’t ibang daycare at child development centers sa lungsod.
Sa naging pahayag ng konsehala, ibinahagi nito ang isa sa naging aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa mga daycare workers na storytelling workshop.
Binanggit din ni Konsehal Llaga ang kasipagan at taos pusong paggabay na ipinagkakaloob ng mga daycare workers sa mga kabataan.
Sa huli ay makakaasa aniya ang mga Lucenahin na patuloy silang magsasagawa ng mga programa para sa kabataan at susuporta sa bawat aktibidades ng mga daycare centers para sa mga ito. (PIO-Lucena/M.A.Minor)