Bilang Chairman po ng Committee on Engineering at ganoon din po ay electrical practionioner ako’y nanawagan sa ating mga kababayan lucenah...
Bilang Chairman po ng Committee on Engineering
at ganoon din po ay electrical practionioner ako’y nanawagan sa ating mga kababayan
lucenahin na ibayong pag-iingat ang ngayon buwan ng disyembre.
Ito ang naging pahayag ni Konsehal William
Noche sa panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon kay konsehal Noche, kung bibili aniya ng
christmas lights ay tingnan mabuti ang quality ng mga ito at baka ang kanilang
mabili ay imitation.
Ayon pa dito siguraduhin rin na ang mabibili
produktong ay standard at nakapasa sa pamantayan ng Department of Trade and
Industry.
Dagdag pa ng butihin konsehal, nakapag mahinang
klase ang mga ito ay baka pagmulan ng hindi inaasahan pangyayari tulad ng
pag-apot nito na maaring rin pagmulan ng sunog.
Kaya naman muli ay nanagawan ito sa mga
lucenahin na maging vigilant pagdating sa mga bagay na ito.
Samantalang idinagdag pa ni Councilor Noche, na
kung matutulog na ay huwag umano na hayaan nakabukas pa ang mga christmas
lights, tanggaling ang mga saksak nito.
Maging ang ilan pang mga appliances na
kumukunsumo ng kuryente, upang sa ganoon ay makaiwasan sa sunog. (PIO-Lucena/J.
Maceda)