LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Kagustuhan at diterminasyon ang tanging kailangan ng mga Persons Deprived of Liberty o PDL upang makapagtapos ...
Ayon sa mga BJMP officers, nakatutok ang kanilang tanggapan sa pagpapaunlad ng iba’t-ibang aspeto ng mg PDL at isa umano sa kanilang binibigyan ng kaukulang pansin ay ang aspeto ng edukasyon para sa mga ito.
Sa katunayan, bukod sa mga vocational courses na maaring makuha sa tesda, mayroon rin silang iniaalok na als program para sa mga pdl na hindi pa nakakatungtong o nakakapagtapos ng elementarya at sekondaraya.
Ayon kay Taborada, sa tulong ng Department of Education o DEPED, taong 2011 nang pasimulan sa kanilang tanggapan ang nasabing programa na naging daan upang makapag-aral at makapagtapos ng elementarya at sekondarya ang daan-daang mga PDL.
Sa katunayan, noong nakaraang taon umano ay nasa 40 PDL ang nagsipagtapos ng highschool, at 2 naman ang nagsipagtapos ng elementary. Habang ngayong taon, umakyat sa 46 ang bilang ng nag-aaral ng sekondarya at 17 naman sa elementarya.
Kaugnay nito ay nagpahayag ng pasasalamat ang hepe sa 3 volunteers na matiyagang nagtuturo sa mga pdl sa loob ng 6 na buwan.
Dagdag pa nito, ikinatutuwa raw ng mga lecturers ang tiyaga at sipag na ipinapakita ng mga PDL.
Sa oras naman na makalaya na ang mga PDL na nagsipagtapos sa ALS program, maari ang mga itong tumuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa ngayon kasi ay wala pa silang maialok na libreng college courses para sa mga ito. Bukod daw sa kakailanganin nila ng mas malawak na pasilidad, kailangan rin nila ng karagdagang pondo at tauhan para dito.