Isa nanamang Lucenahin ang nagbigay ng karangalan sa lungsod ng Lucena dahil sa kanyang angking kagalingan at talentong ipinamalas sa larang...
Isa si King Nash Alcairo ng Barangay Ibabang Dupay sa mga naging delegado ng bansang Pilipinas sa ginanap kamakailan na 2018 World Poomsae Championships sa Taipei City, Chinese Taipei.
Mahigit sa apatnapung Pilipinong atleta kabilang na nga si Alcairo ang nag uwi ng mga international honors and awards sa bansa.
Nasungkit ni Alcairo ang Bronze Award sa Cadel level ng taekwondo.
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isang resolusyon ay isinulong ni KOnsehal Sunshine Abcede-Llaga sa sangguniang panlungsod na bigyan ng pagkilala at rekognasyon si Alcairo para sa karangalang naiambag nito hindi lang sa lungsod kundi maging sa buong Pilipinas.
Tumugon naman dito ang iba pang mga miyembro ng konseho at ikinatuwa ang muling pagkakaroon ng katagumpayan ng isang Lucenahin.
Kabilang sa mga bansang nakalaban ng Pilipinas sa naturang International tournament ay ang South Korea, China, France, Spain, Iran, Turkey, Germany, Chinese Taipei at United States. (PIO-Lucena/M.A. Minor)