Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit sa 3,000 mga nakakatandang Lucenahin, tinanggap ang kanilang birthday cash gift mula sa pamahalaang panlungsod

 Aabot sa tinatayangmahigit sa 3,000 mga nabibilang sa nakakatandang sector sa lungsod ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula sa ...

 Aabot sa tinatayangmahigit sa 3,000 mga nabibilang sa nakakatandang sector sa lungsod ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift mula sa pamahalaang panlungsod kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa Punzalan Gymnasium sa bahagi ng brgy. 5 na kung saan dinaluhan ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Naging panauhing pandangal naman dito si Senator JV Ejercito at nakasama rin niya dito ang ilang mga konsehales ng Lucena.

Ang mga pinagkalooban ng naturang regalong ito ay ang mga nagsipagdiwang ng buwan ng Nobyembre at Disyembre na nagmula pa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Sa naging pananalita ni Senator JV Ejercito, kaniyang binigyang papuri si Mayor Dondon Alcala sa ginawa nitong pagpapaunlad sa lungsod ng bagong Lucena na aniya ay mas uunlad pa dahilan sa magandang pamamalakad nito.

Kaniya rin inihalad sa lahat ng mga nagsipagdalo dito ang dalawang mahahalagang panukala na kinyang ipinapasa at ito ay ang pagkakaroon ng isang departamento na tinatawag na Department of Housing na siyang tututok sa mga proyektong pabahay sa buong bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ninanais ng senador na magkaroon ng maayos na tahanan ang lahat ng mga Filipino upang sa ganun ay mawala na ang mga tinatawag na illegal squatters sa Pilipinas.

Ang isa pang mahalagang batas na kaniyang inilahad sa mga lolo at lola dito ay ang Universal Health Care Program na kung saan nilalayon naman nito na pagkalooban ng libreng serbisyong medical ang lahat ng mga mamamayang Fiipino sa ating bansa.

Aniya isang mahalagang batas ito lalo’t higit ay para sa mga senior citizens sa Pilipinas dahilan sa ilalim aniya ng programang ito, magkakaroon ng karapatan na makinabang sa National Health Security Program kahit na hindi miyembro ang mga ito ng Philhealth.

Samantala, sa ibinigay na mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang binate ang lahat ng mga nagsipagdiwang at magsisipagdiwang pa lamang ng kanilang kaarawan.

Binigyang pasasalamat rin ng alkalde ang panauhing pandangal na si Senator Ejercito dahilan sa inisyatiba nito na magkaroon ng dalawang mahahalagang panukala na tiyak na malaki aniya ang magiging pakinabang ng mga Lucenahin.

At sakali na maging ganap na batas na ang Universal Health Care Program na ito ay tiyak na magkakaroon na rin aniya ng katuparan na magkaroon ng sariling ospital ang lungsod ng bagong Lucena.

At matapos na makapagbigay ng kanilang mensahe, pormal nang ipinagkaloob sa mga lolo at lolang dumalo dito ang kanilang birthday cash gift na kung saan ay bukod dito binigyan rin ng maagang papasko ang mga ito ng pamahalaang panlungsod.

Ang pagdalong ito ni Senator JV Ejercito ay upang ipabatid sa lahat ng mga Lucenahin ang kaniyang magandang panukalang batas na sakaling makapapasa ay tiyak na pakikinabangan ng lahat ng mga mamamayan ng ating bansa kabilang na ang mga Lucenahin.

Isa rin niyang paraan ito upang makadaupang palad ang mga senior citizens ng lungsod upang alamin ang kanilang mga pangangailangan at makagawa ng batas na sadyang mapapakinabangan ng mga nasa sector ng mga nakatatanda sa ating bansa. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.