Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex. Pinangunahan naman ito ng mga opisyales ng Meralco...
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa
harapan ng Lucena City Government Complex.
Pinangunahan naman ito ng mga opisyales ng
Meralco sa pangunguna ni Jeffrey Tarayao Chief CSR Officer & Head ng One Meralco
foundation kasama rin nito Benjamin Nolasco AVP & Head HMB South Business
Area, Engr. Lawrence Abueg Head, Lucena Business Center at Adrian Villafuerte
na siya Constraction & Maintenance Officer mula sa San Pablo Sector.
Dinaluhan naman ito nina Mayor Roderick
“Dondon” Alcala, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. Senior Councilor
Anacleto “Third” Alcala, Councilor William Noche, Councilor Vic Paulo, aspiring
councilor Engr. Wilbert Noche, Engr. Jose Christian Ona, Kapitan Reil Briones
ng Barangay Talao Talao, Barangay Chairman Zosimo Macaraig ng Barangay Mayao
Crossing.
Phtoto by Philippine Primer |
Kabilang din sa mga dumalo dito ang ilang mga
mamamayan lucenahin na naging binipisaryo ng pagpapailaw na ito ng Meralco.
Sa maikling programa ay nagbigay naman ng
pananalita si City Administrator Jun Alcala.
Sinabi nito na habang tuloy tuloy na
pina-uunlad ni Mayor Dondon Alcala ang lungsod ng lucena ay tuloy tuloy din
naman ang suporta ng meralco sa mga programa at proyekto ng punong lungsod.
Ayon naman kay Engr. Lawrence Abueg Head ng
Lucena Business Center, ang community electrification program ng one meralco
foundation ay naglalayo na magbigay ng serbisyo ng kuryente ang ating mga
kababayan.
Ayon pa dito sinisikap nila na mailapit ang
serbisyo sa mga kabahayan sa lungsod ng lucena.
Dagdag pa nito na ang programang nabanggit ay
nasa apat nataon na at ito ay sa pamumuno na rin ni Mayor Dondon Alcala.
Sa huli ay nagpasalamat ito sa butihin Alkalde
dahilan sa tulong na ibinibigay nito sa pamamagitan ng pagkuha ng permit.
Samantalang ayon naman kay Benjamin Nolasco ang
lucena city ang isa sa may pinakamaraming bilang ng nakabitan ng kuryente mula
sa proyekto.
Binanggit rin nito na hindi naman aniya
magmamaterialize kung wala ang tulong ng Lucena LGU.
Sapagkat aniya ay mabilis ang proseso na ginawa
dito hindi tulad sa ibang mga municipalities mahirap silang kumuha ng
requirments.
Kaya naman ay taus puso itong nagpasalamat kay
Mayor Dondon Alcala dahilan sa mga tulong nito upang maisakatuparan ang
naturang proyekto. (PIO-Lucena/J. Maceda)