Dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isigawang Christmas Party ng ilang mga Tricycle Operators and Drivers Association sa lungsod. ...
Dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa
isigawang Christmas Party ng ilang mga Tricycle Operators and Drivers
Association sa lungsod.
Nakisaya ang alkalde sa pagseselebra ng mga
samahan ng kani-kanilang kasiyahan para sa kapaskuhan.
Binati din nito ang bawat isa ng isang
maligayang pasko na puno ng pag asa at kasaganahan at manigong bagong taon na
puno ng biyaya para sa lahat.
Kabilang sa mga naturang samahan ay ang Mount
Carmel TODA sa pangunguna ng president nito na si Robert Veluz at Carlos TODA
sa pangunguna ng president nito na si Armando Nierva.
Nakibahagi din dito ang ilan sa mga miyembro ng
konseho ng sangguniang panlungsod gayundin ang ilang mga aspiring councillors.
Nagpsalamat naman ang lahat sa pagdalo ng
punong lungsod kasama ang mga kasamahan nito sa kanilang selebrasyon.
Patunay lamang ito na buong porsyentong
pagsuporta ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga mamamayang Lucenahin maging
ang mga tricycle drivers at operators sa lungsod.
Natapos naman ng matagumpay ang kasiyahan at
ramdam na ramdam sa ngiti ng bawat isa ang ispirito at tunay na diwa ng
kapaskuhan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)