Sa ginanap na chrsitmas party ng dalubhasaan ng lungsod ng lucena kamakailan ay nagpahayag ng pasasalamat si mayor dondon alcala para sa m...
Sa ginanap na chrsitmas party ng dalubhasaan ng
lungsod ng lucena kamakailan ay nagpahayag ng pasasalamat si mayor dondon
alcala para sa mga guro at empleyado ng dalubhasaan ng lungsod ng lucena sa
pangunguna ng dekana at presidente ng
dll na si mercedita torres dahil sa
pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga dalubcenians, kasabay
nito ay hinamon rin ng alkalde ang buong pamunuan na magtulong-tulong upang
magkaroon ng 100 percent passing rate ang dalubhasaan sa mga
isasagawang board examinations sa
darating na panahon.
Ayon sa alkalde, unti-unti umanong nagbubunga
ang sama-samang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan at ng pamunuan ng dll pagdating sa pagbibigay ng isang maganda at
dekalidad na edukasyon sa mga lucenahin.
Patunay umano rito ang mga papuring natatanggap at naririnig niya
mula sa ibang tao.
Pinasalamatan rin ng alkalde ang malaking
kaaambagan ng mga myembro ng sangguniang panlungsod dahil sa walang
pag-aalingang pagsasagawa ng mga special
at additional sessions maaprubahan lamang ang supplememtal budget ng
dalubhasaan para sa susunod na taon.
Samantala, magandang balita naman para sa mga
empleyado ng dll ang dagdag na sahod na ipatutupad sa enero ng susunod na taon.
Para sa alkalde, nararapat lamang na pagkaloob
ang mga guro ng dagdag na hourly rate dahil sa mga sakripisyo at pagsusumikap
ng mga ito mabigyan lamang ng magandang klase ng edukasyon ang mga mag-aaral na
siyang nagiging daan upang maging competitive ang mga dalubcenians sa ano mang
larangan.
Nangako rin ang alkade na pagsusumikpanan
niyang ibigay ang lahat ng mga pangangailangan hindi lang ng mga estudyante
kundi maging ng lahat ng bumubuo ng dalubhasaan na makatutulong sa pagpapaganda
at pagsasaayos pa ng kalidad at klase ng serbisyo na ibinibigay ng nasabing
paaralan.
Binigyang diin rin ni mayor dondon alcala na
hindi siya nakakalimot sa pangakong kanyang binitawan hinggil sa pagbibigay ng trabaho at oportunidad para sa
mga nagsipagtapos sa dll.
Giit nito na magpasahanggang ngayon, lagi
niyang ipinapaalala sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan partikular na sa
public employment service office o peso at business permit and licensing
office o bplo na unahin at bigyang
prayoridad ang pagbibigya ng trabaho para sa mga ito.
(pio lucena/c.zapanta)