Bilang ipakita ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng mga coaches, trainors at manlalaro ng delegasyon ng Team Quezon, dumalo sa isinagaw...
Ginanap ang nasabing aktibidad sa bahagi ng West 1 Elementary School na kung saan ay dinaluhan rin ito ng mga coaches at trainors mula sa tatlong dibisyon ng nasabing koponan.
Kinabibilangan ang nasabing delegasyon ng mga manlalaro mula sa Tayabas City, Quezon Province at Bagong Lucena na kung saan ay pinagsama-sama na ang mga ito upang mabuo ang Team Quezon na siyang lalaban para sa darating na Regional Sports Competition.
Present rin dito si Dr. Aniano Ogayon, ang City Schools Division Superintendent, Sir Joey Jader, ang EPS for Sports at iba pang mga mga delegasyon ng nasabing koponan.
Sa naging mensahe ni Dr. Ogayon, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga nagsipagdalo dito at hiningi rin ang kooperasyon ng bawat isa upang makahanap ng magagaling na manlalaro na kanilang ire-representa sa darating na RSC.
Aniya, hindi kinakailangan na magkaroon ng kumpetensya ang tatlong distrito sa bawat isa dahil sa hindi naman aniya magkakalaban ang mga ito at bagkus ay dapat na magtulungan ang mga ito upang talunin ang iba pang delegasyon.
Samantala sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, lubos nitong pinasalamatan ang lahat ng bumubuo sa Team bagong Lucena, lalo’t higit kina Dr. Ogayon at Sir Joey Jader, sa patuloy na paghubog ng mga ito sa angking talento sa larangan ng isorts sa mga kabataang Lucenahin.
Gayundin kaniya ring pinasalamatan ang lahat ng mga delegasyon ng Team Tayabas City at team Quezon Provincesa pagdalo nito sa pagdiiwang ng naturang okasyon.
Matapos ng pananalita ng mga nasabing opisyales, mas naging masaya pa ang naging pagdiriwang ng mga dumalo dito dahilan sa kanilang mga naging bisitang mga artista na sina Maui taylor, Katya Santos at Dennis Padilla.
Nagkaroon rin ng pagkakataon ang ilan sa mga nakibahagi dito na makasama ang mga rtistang nabanggit sa ginawang pagtatangahal ng mga ito.
Mas lalo pang sumaya ang mga ito sa ginawa namang pagtatanghal ng kilalang artista at komedyante na si Norman Mitchell na kung saan ay maging si Mayor Alcala ay lubos rin ang naging kasiyahan.
Ang pagdaraos ng ganitong uri ng aktibidad ay bilang pasasalamat na rin ng mga namumuno sa Team Bagong Lucena kay Mayor Dondon Alcala sa patuloy at walang sawang pagsuporta nito sa mga atletang Lucenahin. (PIO Lucena/ R. Lim)