Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAYOR DONDON ALCALA NANGAKONG SUSUPORTAHAN ANG ONE MERALCO FOUNDATION

Mayor Roderick “Dondon” Alcala LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tauspuso po akong nagpapasalamat sa Meralco at One Meralco Foundation da...

Mayor Roderick “Dondon” Alcala





LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tauspuso po akong nagpapasalamat sa Meralco at One Meralco Foundation dahilan sa apat na taon nakalipas ay nakapagbigay ang mga ito kuryente sa mahigit na 1, 389 na benificiary.

Para naman sa taon ito ay nasa mahigit naman 627 at ito ay sa sampung komunidad sa Lungsod ng Lucena.

Ito ang binanggit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang Community Electrification Program Lighting Ceremony ng One Meralco Foundation kamakailan.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, ang sampung nabiyayaan komunidad na ito ng kuryente ay ang mga sumusunod Ulupa, Barangay Salinas, Barcelona Hua, tree jorkey Hua, Samkal, Brgy. Talao-Talao, Purok Bagong Pag-asa, Brgy. Gulang Gulang, Brgy. Mayao Crossing at ang Purok Riverside.

Sinabi pa ng Alkalde na lahat ng area na mayroon franchise ang Meralco ay nasa 7,000.

Napakapalad aniya ng lungsod ng lucena sa laki ng kanilang nasasakupan ay 10 pursento ay napupunta sa bagong lucena, dahilan sa halos 700 ang kanilang natulungan sa programang ito.

Nangako naman si Mayor Dondon Alcala, na ang pamahalaan panlungsod ay susuporta sa naturang kumpanya, sa pamamagitan ng pagpapabilis ng proseso ng requierments ng mga ito at maglalagay sila ng empleyado na tututok at mag-aasekaso sa kanila.

Hihirit pa ang punong lungsod, ng panibagong proyekto para sa karagdagang 600 pa ngayon taon at sa susunod naman na taon ay madagdagan pa ng mga ito ang bilang ng magiging benipisaryo.

Sa huli ay nagpasalamat si Mayor Dondon Alcala, sa lahat ng mga taga Meralco at sa namumuno sa One Meralco Foundation dahilan sa napakalaking bagay umano na nakapagbigay ang mga ito ng liwanag sa tahanan ng sampong kumunidad dito sa Bagong Lucena. (PIO-Lucena/J. Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.