Kahit pa man napakaraming akitbidadis na pinupuntahan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay dumalo rin ito sa isinagawang World Aids Day ...
Kahit pa man napakaraming akitbidadis na pinupuntahan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay dumalo rin ito sa isinagawang World Aids Day kamakailan.
Ang aktibidad na ito pinangunahan ng tanggapan ng City Health Office sa pamumuno ni OIC Jocelyn Chua kasama ilang mga staff nito at ginanap ito sa harapan ng Lucena City Government Complex.
Kasama rin ng alkalde sa naturang aktibidad na ito sina konsehal Third Alcala, Konsehal Vic Paulo, Konsehal Nilo Villapando at Dating Konsehal Amer Lacerna.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, ang pamahalaan panlungsod aniya sa pangunguna ni City Health Officer Jocelyn Chua ay nagkakaloob ng kompletong programa hinggil sa mga may HIV-Aids upang alagaan ang mga ito.
Ayon pa sa alkalde, noong si Edith Regodon ay nasa City Health Office pa ay ito ang humahawak ng kahalintulad na programa para maging aware ang mga lucenahin sa ganitong aktibidad.
Sinabi naman nito ang kagandahan sa programa ngayon ay maraming sektor ang dumadalo at sumuporta sa programa.
Nangako rin ang punong lungsod na susuportahan nito ang programa HIV-awareness katuwang niya ang sangguniang panlungsod.
Nagpasalamat naman ito kay Dra. Jocelyn Chua at sa lahat ng kasamahan nito maging ang mga naging guest dito.
Samantalang sinabi naman ni konsehal Third Alcala, ay isang makahulugan ang ginanap na aktibidad na ito dahil upang maging aware ang lahat at para makaiwas na rin sa sakit na ito.
Dagdag pa ni Konsehal Alcala, kung mayroon nalalaman ang ating mga kababayan lucenahin na may ganitong karamdaman ay bigyan aniya natin ng pansin at imbis na sila ay iwasan ay kailangan ibayong pagpapayo ang ibigay sa mga ito upang malabanan ang naturang sakit. (PIO-Lucena/J. Maceda)