LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Inilahad sa isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes ang ilan sa mga pangunahing aktibidad na is...
Sa mensahe ni Acting Provincial Administrator Roberto Gajo,pinasalamatan niya ang opisina ni Vice Governor Samuel B. Nantes sa pagbibigay ng malaking suporta sa mga proyekto at programa ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez.
“Malaking katuwang ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang Sangguniang Panlalawigan. Tulad ng sinasabi ni Gob Suarez, ang malalaking programa at proyekto ng ating pamahalaan ay hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi sa suporta ng bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Sam Nantes.” ayon kay Gajo.
Ibinahagi niya rin ang ilan sa mga pagkilala at parangal na nakamit ng Provincial Government gayundin ang mga aktibidad ng pamahalaang panlalawigan.
Isinagawa rin noong nakaraang Linggo ang mass graduation ng sustainable pig farming sa pangunguna ng Provincial Veterinarians’s Office kung saan 400 na graduates ang nagsipagtapos mula sa bayan ng Lucban, Pagbilao, Tiaong, Sariaya at Tayabas.
Binigyang pagkilala naman ang pamahalaang panlalawigan bilang Outstanding GAD Implementer sa ilalim ng province category na personal na tinanggap ni PGAD Head Ofelia Palayan sa Calamba City.
Ilan rin sa mga Quezonian ang kinilala bilang national winners tulad nina Loreto Basit para sa Gawad Saka Outstanding Large Animal Raiser, Chona Bandola bilang Outstanding Rural Woman para sa Search for Outstanding Women ng Department of Agriculture at Redemfa Querubin mula sa tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor bilang Outstanding Agriculture and Fishery Council Coordinator.
Dagdag pa ni Gajo, patunay lamang ang mga parangal at pagkilalang ito ng isang mahusay at epektibong programa na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan para sa mga kapwa nito Quezonian.
Bilang bahagi naman ng selebrasyon ng Kapaskuhan, kasalukuyang dinarayo ang Provincial Capitol ng mga turista mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan upang tunghayan ang lights display sa Perez Park at ilan pang mga aktibidad dito tulad ng konsyerto at simbang gabi. (Quezon – PIO)