ni Olan L. Lao MULANAY, Quezon - Nagkaisa ang mga residente ng Barangay Patabog, Mulanay, Quezon,upang bumuo ng isang samahan na inorganis...
ni Olan L. Lao
MULANAY, Quezon - Nagkaisa ang mga residente ng Barangay Patabog, Mulanay, Quezon,upang bumuo ng isang samahan na inorganisa ni Ginoong Inocencio Gepiga residente ng nasabing barangay. Ang nasabing samahan ay binubuo ng sektor ng mga maliliit na mangigisda, isa sa mga pinag usapan ay paghahanda upang maiparehistro ang kanilang grupo sa SEC o Security and Exchange Commission.
Isa sa mga napag usapan nila ay ang mga programa na ihahanda nila sa kanilang sektor, kabilang ang paglalagay ng fish sanctuary sa karagatan na nasasakupan ng kanilang barangay.
Ayon sa mga residente ng Barangay Patabog naisisira na ang karagatan ng kanilang barangay dahil sa maling pamamaraan ng panghuhuli ng lamang dagat o illegal fishing ng ilan nilang mga kabarangay at ang mga dayung mga mangingisda na nakakarating sa kanilang lugar, na dahilan ng pag unti ng mga nahuhuling isda kaya napektuhan ang kanilang hanap buhay.
Humingi rin sila ng tulong at pansin sa lokal na pamahalan ng kanilang bayan at sa ahensiya ng gobyerno na nakakasakop sa kanilang sektor para maaksyonan ito, marami na raw silang inirireport pero wala naman daw nangyayari. Iminungkahi naman ni Ginoong Inocencio na meron siyang ginawang programang ihahanda para sa kanilang grupo na naapektuhan sa pag unti ng mga isda at kung merong dumadating na sama ng panahon o bagyo, kaya hindi makapanghuli.Isa na rito ang mga sumusunod; ang magkroon sila ng alternatibong hanapbuhay katulad ng pag ku-culture ng mushrooms,paggawa ng feeds at ang pgtatanim ng gulay at prutas sa bakanteng lupa o kabukiran ng kanilang barangay.
Dumalo din sa nasasabing pagpupulong ang dalawang Barangay Kagawad ng nasabing Barangay na sina Kagawad Joeny Muldon at Kagawad Dino Lim.Bagamat wala silang ideya sa pagpupulong ay nagbigay sila ng mensahe na buong puso silang susuporta at tutulong sa kanilang mga kabarangay.