Sa pagnanais na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga lucenahin lalo’t higit ang mga kabataan at mga myembro ng lgbt community hinggil sa sa...
Alinsunod sa pagdiriwang ng world aids day tuwing ika-1 ng buwan ng disyembre, nagtipon-tipon kamakailan ang mahigit sa 150 katao mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan upang sugpuin ang banta ng hiv-aids sa lungsod.
Bilang pagsuporta ay nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina mayor dondon alcala kasama sina konsehal anacleto alcala iii, vic paulo, nilo villapando at muling nagbabalik na konsehal amer lacerna na nagpahayag rin ng mensahe upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng hiv aids sa lungsod.
Nagsilbi namang panauhing pandangal ang presidente ng project red ribbon care management foundation incorporated na si ramon rodulfo na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa sakit na hiv na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng aids.
Sa pamamagitan naman ng pagbibigay ng testimonya, nag-iwan ng inspirasyon para sa lahat ng mga nakiisa ang hiv advocate na si billy sato na naglahad ng kanyang pinagdaanan matapos na magpositibo sa hiv at ang pag-asang kanyang nakamtan sa tulong ng iba’t-ibang tao na naging dahilan ng pagsuporta niya sa nasabing adbokasiya.
Ibinahagi rin ni civil registrar officer editha regodon ang nakababahalang datos ng mga kaso ng hiv-aids sa bansa, maging sa buong lalawigan ng calabarzon na inaasahang lolobo pa sa mga darating na panahon kung hindi maagapan at magagawan ng aksyon.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa pangungun ang icty health office sa project red ribbon care management foundation incorporated hinggil sa pagkakaroon ng libreng hiv test para sa mga lucenahin. (Pio lucena/c.Zapanta)