Editorial Sa kasaysayan, inilala ang kanyang makasaysayang tungkulin bilang “Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas”, na pinangunahan ang mg...
Sa kasaysayan, inilala ang kanyang makasaysayang tungkulin bilang “Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas”, na pinangunahan ang mga Pilipino patungo sa kalayaan, pinagtibay ng Lehislatura ng Pilipinas ang Act No. 2760 noong Pebrero 23, 1918, at inaprubahan ang pagpapatayo ng monumento bilang pagbibigay-pugay sa kanya.
Sa bisa ng Act No. 2946 na pinagtibay noong Pebrero 16, 1921, iprinoklama ang Nobyembre ng bawat taon bilang Araw ni Bonifacio upang gunitain ang kanyang mga pagpupunyagi para sa kalayaan at demokrasya.
Pinili ang jury noong Agosto 29, 1930, sa disenyo ni National Artist Guillermo Tolentino, sinimulan ang pagpapagawa sa 45-talampakang Monumento ni Bonifacio, ang pinakapopular na landmark ng Caloocan City.
Si Andres Bonifacio ang isa sa mga nanguna sa nagtatanggol, nakipaglaban at nakibaka tungo sa kanilang inaasam na kalayaan laban sa mga Espanyol. Kasama ni Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata at ilan pang iba, itinatag niya ang ihim na kapisanang mapanghimagsik tinatawag na Kataas-taasan, Kagalang-galangan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
Ito ay sa kabila ng pagdakip at pagpapaalis ng nga Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang nakararaan. Sa isang maliiit na kuwartong naiilawan lamang ng isang lampara isinagawa ang sandugo kung saan ang mga kasapi ay pumirma mula sa dugo ng kanilang mga bisig na sumisimbolo sa kapanganakan ng Katipunan.
Ang sandugo ay isang pangako rin ng pag-ibig at kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga Katipunero na makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa.
Dahil dito, ang Katipunan ay hindi lamang isang organisasyong may layuning patalsikin ang imperyong Espanyol, ngunit nais nito ang tunay na pagkakaisa sa isip at puso ng mga Tagalog sa ilalim ng isang Inang Bayan na naghahanap ng maliwanag at tuwid na landas.
Noon ay binigkas ni Bonifacio ang mga katagang ito: “Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o kamatayan? Mga Kapatid: Halina’t ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling Kalayaan “.