“Maraming oprtunidad para sa inyo sa lungsod ng lucena” ito ang naging pahayag ni mayor dondon alcala kamakailan para sa mahigit 600 lucena...
Bilang ang lungsod ng lucena ang isa sa may pinakamataas na porsyento ng mga nagsipagtapos sa ‘sipag’ , naniniwala si mayor dondon alcala na nangangahulugan ito na marami sa mga nabiktima ng iligal na droga ang nagnanais na magsimula ng panibagong buhay kaya naman bilang ama ng lungsod, tiniyak ng alkalde na kasama siya ng mga ito sa hangarin ng pagkakaroon ng panibagong buhay.
Kaugnay nito, sa patuloy aniyang pag-unlad ng bagong lucena, marami umanong pumapasok na investors sa lungsod. Patunay na umano rito ang paglaki ng budget ng lunsod mula sa dating mahigit 650 milyong piso lamang , matapos ang limang taong panunungkulan ng alkalde ay lumaki ito ng mahigit sa 1 biyon at 200 milyong piso .
At sa patuloy na pagdami ng mga naglalagak ng iba’t-ibang negosyo sa lungsod ay ang patuloy ring paglikha nito ng maraming oportunidad para sa mga lucenahin.
Kaugnay nito ay tiniyak ng alkalde na sa tulong ng iba’t-ibang tanggapan gaya ng pnp at city anti-drug abuse council o cadac ay mas paiigtingin pa ng lokal na pamahalaaan ang mga nakahanay na proyekto at programa na makaaagapay sa mga sipag graduates upang makapagsimula ng panibagong buhay.
Dagdag pa nito, bukod sa pwersa at tulong ng lokal na pamahalaan, higit na kailangan ng mga ito ang suporta ng kani-kanilang mga komunidad kaya’t hiniling nito sa bawat kapitan ng barangay na ipagpatuloy ang pagmomonitor sa mga drug victims at lumikha ng mga proyekto at aktibidad sa kanilang mga lugar upang masiguro na tuluyan nang tatalikdan ng mga ito ang masamang bisyo.
Sinabi rin ng alkalde na handa siyang sagutin ang mga gastusin ng mga sipag graduates pagdating sa medical at drug test expenses sakaling naisin ng mga itong maghanap ng trabaho. (Pio lucena/c.Zapanta)