Ang mga organisasyon na magiging kabahagi ng Youth organization registration program ay ang magiging katuwang ng SK Fedration sa pagpapatupa...
Ito ang naging pahayag ni SK Federation President, Councilor Patrick Nadera sa naging panayam sa kanya ng TV12 kamakailan.
Kaugnay ito sa idinaos kamakailan na YORP Orientation na kung saan ay nag imbita ang nabanggit na pederasyon ng mga youth organization sa lungsod upang magparehistro ang maging kabahagi ng kanilang programa.
Kabilang sa mga samahang nakiisa ay ang mga grupo ng kabataan sa bawat barangay sa lungsod gayundin ang ilang mga school based organizations sa ilang mga paaralan kabilang na ang Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena.
Ayon pa kay Nadera, naisakatuparan ang naturang oryentasyon sa inisyatiba na din ng Local youth development officer na siyang naglahad ng 9 centers of participation sa mga nagparehistrong samahan ng mga kabataan.
Bukod dito, ay ibinahagi rin sa mga itoa ng mga benepisyong possible nilang makamit sa pakikiisa sa YORP kabialng na ang pagiging katuwang ng SK federation sa lahat ng mga aktibidades na isasagawa nito para sa kabataan.
Gayundin aniya ay makakaasa ang mga naturang samahan na magkakaloob ang Sanggguniang kabataan ng tulong sa kanila sa pagpapalago nila ng kani-kanilang adbokasiya at suporta para sa kani-kanilang mga proyekto at programa.
Ang naturang aktibidad ay isa lamang sa hakbangin ng SK Federation upang mas buhayin at pasiglahin ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa mga programa ng lokal na pamahaalaan paa sa kanial
Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pagbibgay ng pederasyon ng mga magagandang programa para sa mga kabataan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)