Sa pagnanais na tuluyang mawala o kundi man ay mabawasan na ang mga gumagamit lalo’t higit ang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamut sa kanil...
As ginawang panayam ng TV12 kay Chairman Bartolome “Romy” Comia, sinabi nito na bagamat hindi pa nadedeklarang “dug cleared” ang kanilang barangay, ay malaki na ang naging pagbabago sa kanilang barangay sa simula nang maupo siya bilang kapitan dito pagdating sa nasabing usapin.
Aniya, marami na rin ang naparusahan dito na mga gumagamit at nagtutulak gayundin ay marami na rin ang nagbalik sa kanilang pamumuhay at tinalikuran ang masamang bisyo na ito sa kanilang lugar at ito ay dahilan na rin sa pakikipagtulungan ng pamunuaan ng Sangguniang Barangay sa mga kapulisan ng lungsod.
Dagdag pa ni Chairman Romy Comia, hindi na dapat tangkilikin pa ang ganitong uri ng masamang gamut dahilan sa ito ang isa sa mga nagiging sanhi ng pagkasira ng kanilang pamilya at ng kanilang buhay.
Ayon pa rin sa kapitan, sa simula nang maupo siya sa pwesto bilang ama ng barangay, sa kabuuan ay malaki na ang naging kabawasan ng bilang ng mga gumagamit at nagbebenta nito sa kanilang lugar dahilan na rin sa maigting nilang kampanya laban dito.
Bukod pa rin dito ang palagian nilang paalala at nang pamahalaang panlungsod, sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na walang mabuting maidudulot ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
At bilang pagpapatunay sa ginagawa nilang mahigpit na kampanya laban dito, sinabi ni Kapitan Comia na makailang beses na nagsagawa ang mga operatiba ng kapulisan ng Lucena, kasama siya at ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay, ng mga operasyon laban dito na kung saan sa lahat ng ito ay nahuli nila ang mga suspek. (PIO Lucena/ R. Lim)