Ang pawikan ay itinuturing na isa sa indigenous species kaya naman ito ay bawal hulihin dahilan sa umuunti na ang bilang ng mga ito. Pero sa...
Ang pawikan ay itinuturing na isa sa indigenous species kaya naman ito ay bawal hulihin dahilan sa umuunti na ang bilang ng mga ito.
Pero sa pagkakataon ito kamakailan ay isang residente naman ng purok 4 Barangay Dalahican na si Julio Estimo ang nakahuli ng Pawikan at inalagay muna nito sa isang ligtas na lugar.
Agad naman nitong ipinaalam sa kanilang Punong Barangay na si Roderick Macinas at itinawag naman ng kapitan sa City Agriculturist Office.
Noong araw din iyon ay agad naman nagtungo si Liza Huerto sa nasabing Barangay.
Sinamahan naman ang empleyado ng tanggapan ng panlungsod na agrikultura at pagkadating nila sa lugar ay kaagad na Sinuri ng mga ito ang naturang pawikan upang tingnan ang kondisyon nito at tiyakin na walang anumang sugat.
Matapos na masuri ang pawikan ay pinagpahinga muna ito at pagkatapos sa pagkikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Dalahican na pinangunahan ni kagawad Ambet Borja, pangulo ng bantay dagat na si Ben Chavez at Purok Coordinator Eddie Dublin.
Nagtulong tulong naman ang mga ito upang buhatin ang pawikan kasama ang ilang mga residente at maging ang ilang mga taga City Agriculture upang dalhin sa baybayin dagat para pagpapakawala. (PIO-Lucena/J. Maceda)