Patuloy ang pagbibigay ng programa para sa mga Senior Citizen ng Barangay Mayao Crossing. Tulad ng pagbibigay ng libreng check up, libreng g...
Tulad ng pagbibigay ng libreng check up, libreng gamot at iba pa para sa mga nakatatandang sektor ng lipunan sa kanilang lugar na katulad rin ng ginagawa ng pamahalaan panlungsod.
Sa panayam naman ng TV12 kay kapitan Zosimo Macaraig kamakailan sinabi nito na tuloy pa rin aniya ang programa para sa mga senior citizen.
Sa katunayan aniya ang sangguniang barangay ay nagkaloob ng pundo na 20, 000 pesos para sa taong ito kasama na rin dito ang nasa hanay ng Person With Disabilitiy o PWD’s.
Ayon pa kay Chairman Macaraig, sa susunod na taon ay maglalaan muli sila ng pundo para sa Senior Citizen na manggagalin naman sa Annual Budget ng kanilang Barangay.
Sinabi nito na 40,000 ang halaga na kanilang ikakaloob sa mga ito na ang 20,000 pesos dito ay ilalaan nila para sa gamot upang kung may mangangailang ng gamot tulad ng sa ubo,sipon, lagnat ait iba pa, ang natitirang 20,000 pesos naman ay para sa anuman aktibidad na gagawin ng mga ito.
Samantalang idinagdag pa ni kapitan Macaraig ang kanilang Barangay ay patuloy naman sa paglilista ng mga pangalan ng hindi naililista na PWD.
Ayon dito sa tulong ni Connie na siyang pangulo ng PWD at ng mga purok leader ay umuuli ang mga ito sa kanilang barangay para makahanap pa ng mga nasa sektor ng PWD.
Dagdag pa ng butihin kapitan, kapag naman nailista nila ang mga ito ay kanilang pinagrereport sa kanilang barangay upang mapabilang sila sa kanilang listahan para naman kung anuman ang mga binibisyo na natanggap na ng mga nakatala na ay matatangap rin ng mga ito.
Mayroon naman tanggapan ang PWD sa naturang barangay.
Ganoon din idinagdag pa nito na sa susunod rin taon ay may programa para sa mga person with disability na livelihood project tulad ng paggagawa ng sabon at iba pa.
Layunin ng Sangguniang Barangay Mayao Crossing na matulungan ang mga nasahanay PWD upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga ito ng sa ganoon maramdaman ng mga ito ang pagpapahalaga sa kanila. (PIO-Lucena/J. Maceda)