LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Suportado ni Lucena City Mayor Dondon Alcala ang panukalang batas sa senado ni senador JV Ejercito kaugnay s...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Suportado ni Lucena City Mayor Dondon Alcala ang panukalang batas sa senado ni senador JV Ejercito kaugnay sa pagtatayo nang isang ahensya na magtitiyak nang maayos na pabahay sa mga maralitang taga lungsod pati na rin sa mga nasalanta.
Ayon sa Punonglungsod ng Senate Bill 1578 o ang Department of Human Settlements and Urban Development Act of 2017 ay isang magandang panukala dahil maiibsan nito ang problema nang mga informal settlers sa bansa.
Ang pahayag ni Alcala ay ginawa matapos maging bisita sa regular na flag raising ceremony si Senador Ejercito.
Sinabi pa nang Alkalde na hindi pa man umano aprubado ang nasabing panukala ay inuumpisahan na ring nang lokal na pamahalaan nang Lucena ang murang pabahay kabilang na dito ang Don Victor Ville na tinatirahan nang mga kawani nang pamahalaan at mga miyembro nang Joda.
Uumpisahan na rin umano sa susunod na buwan ang pagtatayo nang Tenniment house sa bahagi nang barangay Marketview.
Ang nasabing pabahay ay may apat na palapag at may higit sa 600 unit na huhulugan sa murang halaga nang mga mahirap na mamamayan nang Lucena.