Dahil sa umano’y kakulangan ng stocks ng nfa na bigas, iniinda ng mga maninindahan sa public market ng lungsod ang maunting alokasyon ng nf...
Ayon sa nfa retailer na si jenelyn hari, sa loob ng isang linggo, kinakailangan niyang pagkasiyahin sa kanyang mga suki ang 15 sako ng bigas.
At upang mapagkasya ang 2 sako ng nfa sa isang-araw, isang kilo lamang ang kaniyang naibibigay sa kada customer. Ngunit giit nito, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito kahina ang supply. Sa katunayan, noong nakaraang buwan ng oktubre, maraming ibinagsak na bigas ang nfa sa kanilang tindahan na umabot sa 200 sako sa loob lamang ng isang buwan.
Giit nito, malaking bagay para sa kanyang mga customer ang halos p10 pataas na matitipid kapag bumili ng p27 pesos na nfa kaysa sa pinakamurang commercial rice na mabibili sa halagang p38 pesos.
Samantala , umaasa naman si hari magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas ngayong buwan ng disyembre. Bukod daw kasi sa mga ani, inaasahan na rin nilang mga maninindahana ang pagdagsa ng supply ng mga commercial rice sa mga pamilihan bunsod ng mga aangkating bigas mula sa ibang bansa na magiging dahilan naman ng pagbaba pa ng presyo ng mga ito.
Sa ngayon p38 pesos ang pinakamababang presyo ng commercial rice habang p60 pesos naman ang pinakamahal na presyong mabibili sa mga pamilihan. (Pio lucena/c.Zapanta)