LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isinagawa kamakailan sa LCGC ang 4th Quarterly Meeting ng Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Cou...
Dumalo rito ang ilan sa mga hepe ng iba’t ibang departamento at opisina sa pamahalaang panlungsod na kabahagi ng naturang konseho.
Gayundin ang mga kapitan ng bawat barangay sa lungsod ng Lucena.
Parte ng naturang pagpupulong ay ang hulung pagsusuri o year-end evaluation para sa mga aktibidades na naisaktuparan ng LCDRRM sa taong 2018 at ang pagpaplano ng mga programa na mas makakatulong pa sa komunidad para sa mga susunod pang taon.
Ibinahagi nga dito ang ilan sa mga naisagawang programa ng konseho kabilang na ang pagsusubaybay sa early warning systems ng lugar na ayon sa tala ay nasa tatlong daang reports ang kanilang naisumite.
Patuloy din ang pagmomonitor ng ahensya sa water level sensor at ang pagbibigay ng mga ulat panahon sa iba’t ibang ahensya na tumutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng impormasyon.
Sa naging pahayag ni Gendrano, hinikayat din nila ang lahat ng mga barangay sa lungsod na magkaroon ng community based disaster risk reduction and management o CBDRRM plan at evacuation plan na tinugunan naman ng mga ito.
Ayon pa dito, patuloy ang pagsusulong ng kanilang tanggapan kaisa ng mga punong barangay sa pagsasagawa ng mga environmental at climate change activities tulad ng coastal clean-up, mangrove tree planting at community clean-up drive.
Gayundin ang 24/7 operations ng kanilang ahensya sa lahat ng mga aktibidades sa lungsod.
Sa huli ay pinasalamatan ni Gendrano ang lahat ng mga miyembro ng LCDRRM Council gayundin ang mga emergency response team na nagiging katuwang nila sa kani-kanilang mga proyekto at programa. (PIO-Lucena/M.A. Minor)