Sa pagnanais na maging malinis at maganda ang lungsod ng Bagong Lucena, nagsagawa ng paglilinis sa bahagi ng Brgy. 5 ang mga tauhan ng Solid...
Pinangunahan ni Bong Formalejo, Ramil Caballero, at Albert Daleon ang naturang pagliinis na ito na kung saan ay makailang beses na rin nilang nilinis ang bahaging ito.
Ito ay batay na rin sa pamumuno ni Sir Frederick Go na siyang namamahala sa Solid Waste Management Office at sa pamamatnubay naman ni City General Services Office Acting Head Mam Rosie Castillo.
Nilinis ng nabanggit na grupo ang lugar na kung saan ay tinabas ng mga ito ang mga damo, at inalis ang lahat ng mga nagkalat na basura dito.
Ayon kay Sir Ogie Go, bukod sa pangongolekta ng mga basura ay layon rin ng kanilang tanggapan na linisin ang mga barangay sa lungsod upang maging kaaya-aya ito sa aningin ng mga Lucenahin.
Dagdag pa ni Sir Go, magpapatuloy ang kanilang gawaing ito sa iba’t-ibang barangay sa poblacion ng Lucena at maging sa mga karatig na barangay.
Ang hakbanging ito ng mga tauhan ng Solid Waste Management Office ay batay na rin sa kautusan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na panatilihing malinis ang lungsod ng Lucena at upang mailayo na rin sa sakit ang mga mamamayan dito na dala ng maruming kapaligiran. (PIO Lucena/ R. Lim)