LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Hinikayat ng City Health Office ang bawat kapitan ng barangay na mas paigtingin pa ang pagsasagawa ng mga mga ha...
Ayon kasi sa datos na naitala ng tanggapan, kung ikukumpara sa mahigit 200 dengue cases na naiulat noong taong 2017, lumobo ng 153 porseynto ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod noong enero hanggang disyembre ng taong 2018 sa bilang na mahigit 600.
Nangunguna sa listahan ng mga barangay na mayroong pinakamataas na kaso ng dengue ang barangay Gulang-Gulang na mayroong 89 porsyento na sinundan naman ng Barangay Ibabang Dupay, Isabang , Ilayang Iyam at Cotta kung saan 11-15 taong gulang ang pinakang-apektado na karamihan ay mga kalalakihan.
Ayon pa sa CHO, nagsimulang tumaas ang mga kaso ng dengue noong buwan ng hunyo hanggang Oktubre na bahagyang humupa naman noong Nobyembre.
Naniniwala ang CHO na naging malaking tulong sa pagbaba ng mga kaso ang pagsasagawa nila ng misting operations sa bawat barangay sa lungsod na mabisang pang-kontrol ng pagdami ng mga lamok sa mga kabahayanan.
Ngunit hindi umano sapat ang nasabing hakbangin upang tuluyang masugpo ang paglaganap ng sakit na dengue sa lungsod. Hangga’t mayroon daw kasing breeding places o mga lugar na maaring tirhan ang mga lamok, patuloy parin ang pagdami ng mga ito.
Kaugnay nito ay hinikayat ng tanggpan ang lahat ng mga kapitan na magsagawa ng clean-up drive sa loob at labas ng bawat barangay isang beses sa isang linggo. Nararapat rin umaanong muling ireactivate ang itinatag na barangay health response team at purok health emergency response team sa kani-kanilang mga komunidad na kanilang makakatuwang sakaling magkaroon ng outbreak sa isang lugar.(PIO Lucena/ C.Zapanta)