Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Higit 400 pasyente, nakinabang sa libreng Medical-Surgical Mission sa QMC

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Quezon Governor David C. Suarez, Far Eastern University Dr. Nicanor Reyes ...

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Quezon Governor David C. Suarez, Far Eastern University Dr. Nicanor Reyes School of Medicine Alumni Foundation – Southern California chapter, Manila Adventist Medical Center at iba pang mga volunteer, matagumpay na isinagawa ang libreng medical-surgical mission sa Quezon Medical Center nitong ika-7 hanggang ika-11 ng Enero kung saan nakinabang ang higit 400 mga pasyente mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Umabot sa 62 ang isinagawang operasyon para sa major surgeries katulad ng myoma, ovarian cyst, hernia, thyroid, gallbladder, mastectomy, kidney stone, UTI at iba pang minor surgeries. Samantala, naitala naman ang higit 250 na bilang ng mga medical patients at higit 100 para sa pediatric patients. Ilan sa mga karamdaman na naitala base sa mga isinagawang konsultasyon ay hypertension, diabetes, asthma, skin disease at malnutrition.

Ayon kay overall medical-surgical mission coordinator na si Dr. Lucerio Castro Jr., 10 taon na nilang isinasagawa ang libreng gamutan para sa mga kapwa nila Pilipinong nangangailangan kasama ang iba pang mga volunteer mula sa iba’t-ibang organisasyon sa Pilipinas at mga karatig-bansa.

Lubos na nagpasalamat sa pamahalaang panlalawigan at kay Gob. Suarez ang mga pasyente na nabiyayaan ng libreng serbisyo. Anila, malaking tulong ang programang ito ng Serbisyong Suarez para sa kanilang kalusugan at mga pangangailangang medikal.

Nasa 80 doctors at nurses ang nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang libreng operasyon. Nakiisa rin dito ang ilan pang mga volunteer doctors mula sa Lungsod ng Maynila at bansang Amerika.

Isa ang sektor ng kalusugan sa mga pangunahing tinututukan ng ama ng lalawigan na sinusuportahan rin ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez.

Sa panayam kay Dr. Castro, ipinahatid niya ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan at kay Gob. Suarez para sa inisyatibong ito ng kanyang adminsitrasyon. Kasabay nito ay pinasalamatan niya rin ang mga kawani sa Quezon Medical Center sa pagbibigay sa kanila ng tulong at mahusay ng serbisyo upang maisakatuparan ang libreng gamutan.

“We thank Gov. Suarez for the hospitality and the cooperation of all the employees here in the hospital and the warmth and love that we have received from everyone. We thank everyone here and hopefully we can come back again and share our expertise with the people of Quezon.” pahayag ni Dr. Castro. (Quezon – PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.