Sa pangunguna ng hepe ng Business Permit and Licencing Office na si Julie Fernandez, mula noong ika-3 ng Enero hanggang sa katapusan ng bu...
Ayon sa BPLO, mahigit 5000 establishmento ang inaasahan nilang magpa-file ng business permit application bago matapos ang buwan ng Enero.
At upang mas maging kumbinyente para sa mga aplikante ang pag-aasikaso, muling binuksan ng BPLO ang Business One Stop Shop para sa mga ito.
Tinipon na sa nasabing Business One Stop Shop ang mga tanggapan gaya ng City Health Office, Bureau of Fire Protection, City Engineering, City Treasurer’s at iba pa para sa mas mabilis na pagprproseso ng mga dokumento.
Ipinaalala rin ng BPLO sa mga negosyantengg hindi makakapag-asikaso ng kanilang business permit hanggang sa katapusan ng buwan ang multang maaring ipataw sa kanila.
Giit ng tanggapan,unang linggo pa lamang ng buwan ng Disyembre, nagsimula na silang maglibot sa iba’t-ibang establishmento sa lungsod upang magbigay–paalala hinggil dito.
Nagtakda rin umano ang BPLO ng petsa kung kailan dapat na pumunta ang mga ito sa kanilang tanggapanupang mag-asikaso.
Simulanoong ika-3 ng Enero, mahigit sa 500 aplikante na ang dumagsa sa nasabing Business One Stop Shop.
Ngunit sakali naman na hindi makatupad ang mga ito sa itinakdang petsa, bukas parin daw ang kanilang opesina para sa mga nagnanais na humabol.
Hindi rin umano dapat na mabahala ang mga aplikante na unang beses na mag-aasikaso ng business permit dahil nakahanda silang asistehan ang mga ito hinggil sa mga rekisitong kinakailangang kumpletuhin. (PIO Lucena/ C.Zapanta)