Noong nakaraang isang linggo matapos ang mapayapang paghihiwalay ng taon 2018 at 2019 isang hindi inaasahang pangyayari sa lahat ng mga luce...
Partikular na ang mga alumni, guro, estudyante, madre na nag-aaral sa isa sa pinakamatagal ng paaralan dito sa Lungsod ng Lucena at ito ay ang Sacred Heart College.
Sa pagkakataon ito kahit pa man abala pa ang ilan dahil na rin sa andon pa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa pagselebrasyon ng bagong taon.
Pero kinailangan muna nilang lumisan sa kanilang tahanan ang iba’t ibang grupo upang tumulong sa pag-apula sa nagaganap na sunog sa Sacred Heart College at maging ang mga Fire Marshall ay naging abala upang mapuksa ang apoy.
Ganoon din naman ang ating Punong lungsod ay napasugod rin sa lugar noong araw din yon para tiyakin kung kalalagayan at damayan ang mga namumuno ng Sacred Heart.
Lingid sa kaalaman ng lahat ng nakararami nating kababayan na ang alkalde ay isa sa alumni ng sacred heart.
Samantalang matapos ang halos isang linggo na kaganapan dahil na rin sa buong pusong pagtulong ng iba’t ibang samahan ay binigyan na pagkilala ng pamahalaan panlungsod ang mga ito.
Ginanap ang nasabing paggagawad sa isinagawang flag raising ceremony kamakailan.
Pinangunahan mismo ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama sina City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr. konsehal Vic Paulo, ABC President Jacinto Boy Jaca at si Director Gerald Nabela ng Sacred Heart College ang pagbibigay ng regognition sa bawat tumulong.
Nagpasalamat naman ang mga individual na nagbigyan ng pagkilalang ito pamahalaan panlungsod at lalot higit kay Mayor Dondon Alcala. (PIO-Lucena/ J.Maceda)