Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga senior citizen na wala pang ID, maaaring kumuha sa OSCA

by Ruel M. Orinday - PIA-Quezon LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - January 15 (PIA)-“Maaaring mag-apply at kumuha ng senior citizen ID ang mga ta...

by Ruel M. Orinday - PIA-Quezon

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - January 15 (PIA)-“Maaaring mag-apply at kumuha ng senior citizen ID ang mga taong umedad na ng 60 taon sa Office of the Senior Citizen (OSCA) sa Lucena City Government Complex upang makakuha ng benipisyo mula sa pamahalaang panglungsod at maging sa nasyonal na pamahalaan”.

Ito ang isa sa mga inihayag ni Gng. Salome Dato, hepe ng OSCA-Lucena City sa idinaos na “Kapihan sa PIA” sa Pacific Mall Activity Center, Lucena City noong Biyernes, Enero 11.

Sinabi ni Dato na kabilang mga mga benipisyo na natatanggap ng mga senior citizen sa kasalukuyan ay ang birthday cash gift na P500.00 na ipian sine sa SM City Lucena ang mga senior citizen dalawang beses sa loob ng isang buwan.

“Sa pamamagitan ng Social Pension Program ng nasyonal na pamahalaan, nakakatatanggap ng P1,500.00 ang isang senior citizen tuwing ikatlong buwan o quarterly na may kabuoang P6,000.00 kada taon”, sabi pa ni Gng. Dato.

Ang lungsod ng Lucena ay may 1,552 pensioners sa kasalukuyan na nakikinabang sa social pension program.

Kaugnay nito, ipinanapayo ng tanggapan ng OSCA-Lucena City sa mga mga matatandang mamamayan ng lungsod ng Lucena na sumapit na sa edad na 60 ay maaari nang mag-apply ng senior citizens ID sa tanggapan ng OSCA-Lucena City kapag araw ng Huebes.

Kailangang dalhin ng mga aplikante ang mga doukumentong kailangan sa pag-a-apply ng senior citizen ID kagaya ng birth certificate, barangay clearance certificate at COMELEC ID.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.