Upang mas lalong mapanatili at mapaigting ang kalinisan sa kanilang lugar naglagay ng karatulang nagbabawal ng pagtatapon ng kahit anong bas...
Para na rin mapaalala sa mga residente na kailangan ay sumunod sila sa panuntunan na kanilang iniaatas na huwag magtapon sa kahit saan man lugar lalo’t higit sa mga irigasyon at creek.
Ito ay sa kapakanan na rin ng bawat isa lalo na sa mga bata na mahilig magtampisaw sa mga patubig at upang makaiwas na rin sa anuman sakit o mekrubyo dulot ng dala ng basura.
At alinsunod na rin ito sa pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act na ipinatupad ng pamahalaan panlungsod noong nakaraang taon ay ginawa at inilagay ang mga karatulang nabanggit sa mga irigasyon at Creek.
Hindi lang naman sa mga nabanggit na lugar sila naglagay dahil maging sa bawat purok sa kanilang barangay.
Pinangunahan naman ni Kapitan Zosimo Macaraig ang paglalagay nito kasama ang buong puwersa ng Sangguniang Barangay.
Nagtulong tulong sa iisang layunin ang panatilihin ang kalinisan ng buong Barangay Mayao Crossing.
Isa lamang ang naturang proyekto na ginawa ng barangay mayao crossing sa pagpasok ng taong 2019 at sa mga susunod pa na araw ay marami pang mga programa at proyekto ang kanilang gagawin na pakikinabangan at ikauunlad ng pamumuhay ng bawat residente sa kanilang lugar. (PIO-Lucena/ J.Maceda)