Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagsasa-ayos sa ilang mga kalsada sa bahagi ng brgy. Ibabang Dupay, nais ipagpatuloy ni Chairman Jacinto Boy Jaca

Sa kagustuhan na maging maayos ang mga kalsada sa kanilang lugar, isa sa mga ninanais ni Brgy. Ibabang Dupay Chairman Jacinto “Boy” Jaca ay ...

Sa kagustuhan na maging maayos ang mga kalsada sa kanilang lugar, isa sa mga ninanais ni Brgy. Ibabang Dupay Chairman Jacinto “Boy” Jaca ay ang ipagpatuloy ang proyekto nitong pagsasaayos ng ilang mga kalsada dito.

Sa isang panayam ng TV12 kay Chairman Boy Jaca, sinabinito na ninanais niya nab ago pa siya mawala sa pagiging ama ng kanilang barangay ay ang maisaayos ang mga kalsada dito particular na ang nasa bahagi ng University Site.

Ayon kay Chaiman Jaca, matagal na niyang tinutulungan, kasama ang buong Sangguniang barangay ng Ibabang Dupay, ang nabanggit na lugar hinggil sa pagsasa-ayos ng kalsada dito.

Bukod sa nabanggit na lugar, nakapagpasa-ayos na rin aniya sila sa iba pang subdivision at mga purok sa kanilang barangay.

Dagdag pa ni Kapitan Boy jaca, ang pondong pinagmumulan ng mga proyektong ito ay mula sa kanilang annual budget na kung saan ay naglalaan sila ng kaukulang pondo para dito.

At bukod aniya sa ponding ito, nagkakaloob rin si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng karagdagan pang pondo para sa kanilang mga pagawain sa barangay kung kaya naman mas dumarami pa ang mga programa at proyektong kanilang naisasagawa sa kanilang barangay.

Lubos ring pinasasalamatan ni Kapitan jaca si Mayor Dondon Alcala sa walang sawang pagsuporta at pagtulong nito sa kanilang lugar at sa kaniyang mga kabarangay hindi lamang sa mga pagawaing imprastraktura maging sa iba pang mga serbisyo.

Sa huli, buong ipinagmalaki ni Chairman Boy Jaca na sa pagtatapos ng kaniyang termino bilang kapitan ng barangay ay masasabiniya sa kaniyang mga kabarangay at maging sa mga magtutungo dito na ang ilang mga kasalda sa kanila ay naisa-ayos niya. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.