Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pasko at Bagong Taon sa Lalawigan ng Quezon naging mapayapa

‘Panunuluyan’ performed by students from Sacred Heart College held at the Perez Park this December 17, 2018 (Photo Courtesy by Quezon PIO)...

‘Panunuluyan’ performed by students from Sacred Heart College held at the Perez Park this December 17, 2018 (Photo Courtesy by Quezon PIO)

by Nimfa L. Estrellado

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Naging mapayapa ang selebrasyon ng Pasko sa buong Lalawigan ng Quezon ayon sa Lucena City PNP ang pagdiriwang sa probinsya ng Quezon. Tinutukan ng hanay ng Lucena City PNP at ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang pagbigay ng mas mahigpit na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa Lucena City PNP tiniyak nilang gawin ng kanilang hanay ang kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at siguruhin ligtas ang lahat sa anumang mga karahasan.

Kasabay ng selebrasyon ay isinailalim sa full alert status ng QPPO ang buong puwersa nito.

Upang tiyakin na magiging malaki anya ang naitulong ng pagpapakalat ng mga patrol cars ng QPPO bukod pa ang deployment ng mga pulis.

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility sa mga lugar na dinarayo ng mga tao sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Kabilang dito ang mga simbahan, pook pasyalan, malls at mga terminals.

Samantala, hindi na rin magpapatupad ang Lucena City PNP ng pagbubusal ng mga baril.

Para lamang matiyak na hindi ito magagamit sa pagsalubong sa bagong taon.

Upang maiwasang makapambiktima ng mga inosenteng sibilyan.

Ang sinumang pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa taong 2019 ay sisibakin sa puwesto at posibleng matanggal sa serbisyo.

Wala naman silang namonitor na may mga insidenteng karahasan na naitala sa iba’t ibang bahagi ng Lalawigan ng Quezon sa pagdiriwang ng pasko.

Ayon sa ulat ng pulisya, karamihan lamang umano ng mga naitatala ay mga petty crimes tulad ng panggugulo dahil sa kalasingan at maliliit na kaso ng pagnanakaw. Bagama’t naging mapayapa ang pagdiriwang ng pasko, muli na naman umatake Termite Gang sa isang banko sa Barangay Gulang Gulang sa Lungsod nang Lucena kinaumagahan, Dec. 26. Nagpapatuloy pa ang ngayon ang imbestigasyon nang mga awtoridad sa nangyaring nakawan.

Sa kabilang banda, wala rin umanong malalaking krimen na naganap sa ibang parte pa ng Lalawigan ng Quezon. Kaugnay nito, nagbilin pa rin ang kapulisan sa publiko na patuloy na mag-ingat, lalo na sa mga nakawan. May mga naitalang biktima ng paputok at ilang robbery incident na nangyari sa ilang mga lugar bagamat may ilang mga aksidente naitala sa kalsada, sinabi ng kapulisan na kaunti lamang ito kumpara noong mga nagdaang panahon.

Dahil dito, nagpasalamat ang ospiyal sa sambayanan dahil sa mapayapang pagdiriwang ng yuletide season.

Importante umanong manatiling alerto, dahil sa ngayon ay mautak na ang mga magnanakaw at minu-monitor ang isang lugar bago pasukin saka limasan ng pera o kagamitan.

Dagdag ng ng pulisya na gagawin nila ang kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at siguruhing ligtas ito sa anumang karahasan. Sinabi rin nito na maituturing aniyang naging matagumpay ang kampanya ng pnp para sa ligtas na kapaskuhan. Ito aniya ay dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gayun din ng media at kooperasyon ng publiko partikular na sa kampanya ng gobyerno kontra paputok.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.