Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

PRES. DUTERTE, WALANG SASANTUHIN - SAP BONG GO

Pangulong Rodrigo Duterte at dating SAP Bong Go  (With reports: Ace Fernandez, Sol Luzano, Lyndon Gonzales @ Laliga Pilipinas. ) Ang...

Pangulong Rodrigo Duterte at dating SAP Bong Go

 (With reports: Ace Fernandez, Sol Luzano, Lyndon Gonzales @ Laliga Pilipinas. )


Ang bawat pangulo ng bansa kada election ay may personal na ini-indorse sa pagka-senador dahil personal niyang alam ang kakayanan at integridad ng kanyang napiling ikampanya sa mga mamamayan. Hindi naiiba si dating Special Assistant to be President o maskilala sa tawag na SAP Bong Go.

Kamakailan ay pumunta sa Barangay Sta. Ana, San Pablo City ang kumakandidatong Senador ngayong 2019 election upang personal na tignan at i-assess ang nasirang tulay sa Malaunod River na nagkukunekta sa tatlo (3) pang Barangay Sta. Simo Rosario, San Isidro Balabay at Brgy. Atisan na ayon sa ating nakapanayam sa lugar ay 56 taon na ang nasabing tulay at ayon kay Brgy. Kagawad Edwin Gabino ay kanilang ipinagbabawal na ang pagdaan ng malalaking sasakyan na may mabibigay na karga dahil nga sa ginawang assessment ng City Engineering Office sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Loreto Amante ay delikado na ito at posibleng bumagsak dahil sa katandaan ng nasabing tulay at nito ngang kamakailan lamang ay nangyari na ang kanilang pinangangambahan at tuluyan ng bumagsak ang Malaunod Bridge ng dumaan ang isang track na puno ng buhangin.

Ang pangyayaring ito ay personal na naipaabot ng ating kasamahan sa media na si G. Dick Garay kay SAP Bong Go na kaagad naman itong tumugon. Personal niyang pinuntahan sa barangay ang nasirang tulay at sinabi niyang ipinaabot agad ito kay Sec. Mark Villar ng DPWH upang magawa sa lalong madaling panahon. Ayon kay Mayor Amante ay humigit kumulang sa 36 milyon piso ang halaga ng pagpapagawa nito.

Sa harap ng mga Members ng CALABARZON MEDIA ay sinabi ni Senatorial Candidate at dating SAP Bong Go ang pagtatayo ng Malasakit Center sa ibat-ibang bahagi ng bansa na sa kasalukuyan ay meron ng naitatayong 20 Malasakit Center na sa bansa, at diumano ay malapit na ring mag tayo sa lalawigan ng Laguna.

Ayon kay SAP Bong Go, isa sa kanyang legislative agenda ay maisaayos ang Medical Services sa bansa at ang Malasakit Center ang siyang tutugon dito na isang One Stop Shop na pag-iisahin ang mga tulong medical sa mga pilipino lalo at higit ay yung kapus palad nating mga kababayan.

Ang konsepto ng nasabing Center ay ang pag sama-sama ng ilang piling ahensya ng pamahaan ulad ng DOH, PCSO, PAGCOR at DSWD na siyang magbabayad ng balance sa hospital bills ng pasyente upang ZERO BILL O wala ng babayaran ang indigent patient sa hospital. Nang tanungin si SAP Bong Go tungkol sa latest survey ng Pulse Asia at SWS ay sinabi nito na “nakakawala ng pagod na makikita mo po na ang rating ko po ay tumaas at dumadami po ang nagtitiwala sa akin. Ito naman po ay di ko iniisip bastat serbisyo lang po ako at heto nga po, dumoble na yung ratings ko at sana po sa kagustuhan ng Panginoon ay tuloy-tuloy na po itong aangat papunta sa Senado. Ayaw ko pong manganpanya sa inyo pero nasa mga Pilipino na po ang pagpapasya. Ako po ay sumasama pa rin sa Pangulo in my private capacity at gaya ng pangako ko sa kanya ay habang buhay ko siyang sasamahan at maglilingkod po ako sa kanya habang buhay. Mahal ko po ang ating Pangulo at iisa po ang aming layunin at ito ay ang kabutihan ng bawat Pilipino kaya po ako tumakbo sa Senado dahil pinalaban ako ni Pres. Duterte” dagdag pa ng dating Special Assistant to the President.

Natanong din si Sap Go tungkol sa data Breach sa DFA at sinabi niya ng “nag text sa kanya ang Chairman ng National Privacy Commission at sinabi umano na ang nangyaring pagkawala ng data bagaman at hindi ako authorized to speak on behalf of the government dahil I am no longer connected to the government pero personally po ay dapat managot ang dapat managot dito dahil napaka-impotante po ng passport data”.

Nang tanungin ng Sentinel Times Weekly si Bong Go tungkol sa pag-alala ng ilang sector na baka magamit sa eleksyon ang mga nawawalang passport data ay mariin niyang sinabi “rest assured po na ito ay papaimbistigahan ng pamalahaan lalo na ang National Privacy Commission at ang Department of Foreign Affairs ay mananagot po ang dapat maparusahan”.

Sa isyu ng napabalitang kurapsyon sa Department of Labor na isinasangkot itong si Secretary Bello ay tahasang sinabi niya na “alam niyo naman si Pangulong Duterte na kahit na tumulong ka ng kampanya at kahit nagpawis ka noong kampanyahan, basta pumasok ka sa kurapsyon ay sinabi niya na maghiwahiwalay tayo, ganun lang po pero anyway di pa naman po na proved na totoo mga ito, at hintayin na lang natin ang pormal na imbistigasyon tungkol dito at pagnapatunayan ito ay dapat managot ang sinuman” Tuloy tuloy po ang kampanya ni Pangulong Duterte sa kurapsyin sa droga at kriminalidad at wala po siyang sinasanto dagdag pa ni Bong Go.

Samantala, natanong si SAP Bong Go tungkol sa Build, Build, Build program ng Pangulo at sinabi nito na “rest assured po na ito ay tututukan ’yan kapag sinuwerte tayo sa Senado at sisiguraduhin ko po na magkakaroon ng fair share ang probinsya ng Laguna. Sa ngayon po ay di naman pinapakialaman ng Presidente ang mga proyekto, ipinagbibilin lang niya ng kung ano ang dapat share ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at dapat sapat at equally divided po ang share ng mga proyektong bahagi ng Build, Build, Build, Program” at siniguro pa ni SAP Go na siya ang magiging tulay ng mga mamamayan sa Pangulo upang magkaroon ng maraming proyekto ang mga probinsya, partikular ang lalawigan Laguna.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.