LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang parte ng hakbanging ng nasyonal at lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa sakit na Human Immunodeficienct V...
Ayon kay Regodon, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamabilis na paglobo ng HIV cases sa buong mundo. Sakatunayan, lumalabas sa mga pag-aaral na 32 Pilipino ang nagpopositibo sa HIV/AIDS sa loob ng isang araw. At sa mahigit 106 milyong Pilipino, tinatayang nasa 68,000 na ang naitalang mayroon nito.
Dagdag pa nito, noong naakarang buwan ng Setyembre, may naitalang halos 1000 bagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa. Na karamihan ay nagmumula sa National Capital Region, na sinundan ng CALABARZON, Central Luzon, Central Visayas, Western Visayas at Davao Region kung saan 94 % ng carriers ay mga lalaki habang 6 na % naman ang babae.
Sa mahigit 3,000 kaso ng HIV/AIDS sa CALABARZON, 431 ang nagmumula sa Quezon kung saan 9 mula sa Lungsod ng Lucena ang nagpositibo sa naturang sakit.
Karamihan umano sa mga bagong kasong naitala ay nasa edad 15-24 taong gulang habang mataas rin umano ang bilang ng mga nasa edad 25-30 taong gulang.
Bagay na ikinababahala naman ng National at Local Government Units. Sakali raw kasi na hindi ito agad na maaksyunan,sa taong 2030 ay maaring umabot sa 750, 000 Pilipino ang magkaroon ng HIV/AIDS.
Giit pa ni Regodon, hindi maituturing na maliit lamang ang problema ito dahil sa mababang bilang kumpara sa datos ng ibang nakahahawang sakit. Binigyang diin nito na ang mga naiulat na bilang ay bilang lamang ng mga taong nagpasuri. Magpasahanggang ngayon daw kasi ay marami parin ang walang sapat na kaalaman hinggil sa naturang sakit at natatakot na magpahiv-test na posibleng magresulta umano sa patuloy na paglobo at paglaganap ng naturang sakit sa bansa.