Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Quezon 3rd District, pinakahuli sa mauunlad na distrito sa Southern Tagalog - Alcala

Ex-Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala by Nimfa L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Ang ikatlong distrito ng Quezo...

Ex-Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala


by Nimfa L. Estrellado

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Ang ikatlong distrito ng Quezon na kilalang balwarte ng mga Suarez ay siyang pinakahuli sa mga mauunlad na distrito sa Southern Tagalog Region.”

Ito ang sinabi ni dating Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala sa isang panayam dito nang bumisita ito kamakailan sa isang barangay sa Lungsod ng Lucena.

Bilang reaksyon na rin ito ni Alcala ukol sa pagtakbo ni Governor David Suarez sa pagka-kinatawan ng ikalawang distrito ng Quezon sa darating na May 13, 2019 polls, at makakalaban ni Alcala na nagbabalik sa serbisyo publiko bilang kongresista.

Ayon kay Alcala, ano pa kaya ang magagawa ni Suarez sa Second District, gayong hindi man lamang nito napaunlad ang ikatlong distrito.

“Ano pang dadalhin mo dito? Paaatrasin mo pa ba ang segunda distrito? Kampon lumibot ka sa segunda distrito, kung anong sasabihin sayo ng tao?” pagkukuwestyon ni Alcala.

Tila paghahambing pa ng dating kongresista, ang mga nagawa ng kanilang pamilya sa ikalawang distrito ng kanilang panunungkulan sa mga nagawa ni Suarez.

“Siguro ay kung isusulit mo ang kaniyang nagawa para sa segundang distrito at nasulit ng iyong abang lingkod at ng aking mga kapatid. Aba ay siguro naman malayong malayo naman siya. May nagawa naman tayo hindi tayo pa kaang kaang lang dito eh,” pagtatapos ni Alcala.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.