Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Taunang family reunion ng Maaño clan, dinalauhan ni Mayor Dondon Alcala

Bilang pagpapakita niya ng taus pusong pasasalamat sa ginagawang pagtulong at pagsuporta sa kaniyang panunungkulan, dumalo sa isinagawang ta...

Bilang pagpapakita niya ng taus pusong pasasalamat sa ginagawang pagtulong at pagsuporta sa kaniyang panunungkulan, dumalo sa isinagawang taunang family reunion ng Maaño clan si mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang naturang okasyong ito sa Cabuyao reception hall sa bahagi ng Brgy. Silangang Mayao na kung saan ay nakasama niya dito ang isa rin sa kabilang sa nabanggit na lahi na si Brgy. Silangang Mayao Chairman Nieves Maaño.

Kabilang rin sa Maaño clan si dating Department of Agriculture Secretary at ngayon ay lumalabang kongresista ng ikalawang distrito ng lalawigan na si Engr. Proceso “Ka Procy” Alcala at ang anak nitong si dating congressman Irvin Alcala.

Sa naging pananalita ni dating DA secretary Engr. Ka Procy Alcala, sinabi nito na natutuwa siya at napabilang siya sa isa sa mga lahi na itinuturing na mayroong pinakamaraming miyembro.

Hangad rin nito ang patuloy na pagsasama-sama ng lahat ng kaniyang mga kamag-anakan upang mas lalo pang mapalapit ang bawat isa sa kanila.

Samantala sa naging mensahe naman ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang nagpaganap para sa ngayon ito ng nabanggit na reunion dahilan sa pagkakataong ibinigay nito na maimbitahan siya sa masayang okasyon.

Dagdag pa ng alkalde, isang magandangpagkakataon rin ang pagdiriwang na ito upang sa ganun ay magpangipangita ang lahat ng mga magkakamag-anak at magkamustahan ang mga ito.

Matapos na makapagpahatid ng kaniyang mensahe ay masayang nagpakuha naman ng larawan ang bawat miyembro ng nasabing angkan kina Mayor DOndon Alcala at kay dating DA secretary Engr. Ka Procy Alcala.

Ang pagtungong ito ni mayor Alcala sa naturang okasyon ay bilang pagpapakita ng kaniyang taus pusong pakikiisa sa lahat ng mga miyembro nito gayundin ang pagbibigay niya ng pasasalamat sa lahat ng pagtulong at pagsuporta ng mga ito sa lahat ng kaniyang mga ipinatutupad na programa at proyekto sa lungsod na tiyak namang napapakinabangan ng lahat. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.