Magkakaisang nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon, institusyon, opisyales ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan sa isinagawa kamaka...
Magkakaisang
nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon, institusyon, opisyales ng lokal na
pamahalaan at mga mamamayan sa isinagawa kamakailan na Angels walk for autism
2019.
Ang
nabanggit na Gawain ay bilang pakikiisa ng lungsod sa pagdiriwang ng National Autism Consciousness Week na may temang Pagtuon:
Tugon sa mga pilipinong may K dulot ng Autismo.
Ayon
kay Adeluisa Martinez, president ng Autism Society Philippines Lucena-Quezon
Chapter, tinatayang nasa mahigit sa anim daang partisipante ang nakilahok sa
naturang aktibidad na buong pagmamalaki din nitong ibinahagi na malaki ang
itinaas ng bilang ngayon, mula sa mahigit sa tatlong daan noong nakaraang taon.
Iba’t
ibang national agencies at government organizations ang nakiisa sa programa
kabilang na ang Phihealth, Philippine Statistics Authority, DPWH, BFP Lucena,
PDAO, LCCDA, CSWDO, DILG at iba pang mga ahensya sa ilalim ng pamahalaang
panlungsod.
Naging
katuwang din sa pagsasakatuparan ng angels walk for autism ang SM City Lucena,
Savemore at ang buong pusong pagsuporta ng punong lungsod ng Lucena na si Mayor
Dondon Alcala kasama si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga, chairperson ng
Committee on Social Welfare.
Mayroon
ring mga paaralan sa lungsod at ilang mga paaralan sa lalawigan ng Quezon na
nagke-cater ng persons with autism, ang naging kabahagi ng walk.
Sa
pag-uumpisa ng aktibidad, ay nagsagawa ng zumba dance sa bahagi ng Perez Park
bilang paunang ehersisyo sa mga magsisipaglakad. Matapos ito ay sinimulan na
ang walk proper mula sa nasabing lugar hanggang sa SM City Lucena.
Dito
naman ay nagsagawa ng ilang presentasyon ang mga kabataan mula sa Special
Education ng DepEd at nagbigay ng pananalita ang ilang mga personalidad
kabilang na si Konsehal Sunshine Abcede-Llaga at Executive Assistant IV Jo
Colar.
Nagsagawa
rin ng A-Talk Panel Discussion na kung saan ay tinalakay ang mga bagay na dapat
isaalang alang pagdating sa pag-aalaga at pag-unawa sa mga persons with autism
gayundin ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga magulang ng mga ito.
Layunin
ng idinaos na Gawain na mapalawak ang kamalayan ng komunidad hinggil sa mga
persons with autism kasabay ng pagnanais na makakuha ng suporta sa pamayanan sa
pamamagitan ng pagtanggap at pag-unawa sa mga ito.
Gayundin
ay upang iangat ang inclusive development na ninanais ng pamahalaan para sa
lahat ng mga mamamayan anumang sektor ang kanilang kinabibilangan.
Sa
huli ay natapos ng matagumpay ang aktibidad at inaasahan ang tuloy-tuloy na
pagsasagawa at pag-oorganisa ng mga programa at proyekto para sa mga mamamayang
Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A. Minor)