Kasabay ng malawakang implementasyon ng pagbabakuna kontra tigdas sa lungsod, tiniyak ng city health office na sapat ang stock ng mga ...
Kasabay
ng malawakang implementasyon ng
pagbabakuna kontra tigdas sa lungsod, tiniyak ng city health office na sapat ang stock ng mga
bakuna para sa mga lucenahin.
Ayon
kay cho epi/cd coordinator elizabeth caparros, hindi maaaring idahilan ng mga magulang na kulang sa bakuna ang
kanilang mga anak dahil bukod sa sapat ang stock ng anti-measles vaccine sa 48
barangay health centers sa lungsod, libre ring ibinibigay ang bakuna bilang programa ng pamahalaan.
Batay
sa datos ng tanggapan , mula noong enero hanggang ika-14 ng pebrero ng kasalukuyang taon, mayroon nang 46
na kaso ng tigdas sa lungsod kung saan isang 6 na buwang sanggol na ang nasawi.
Pinakang apektado
umano ang mga lugar gaya ng brgy.
Gulang-gulang , dalahican, ibabang dupay, ilayang iyam, market view,
mayao crssing, at mayao silangan.
Idinaing din nito ang kinaharap na
problema ng kanilang tanggapan noong hinid pa nagdedeklara ng measles
outbreak sa bansa.
Lumalabas kasi na mga isinagawa nilang school based immunization
program sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ,20 % o 1700 na grade 1
students lamang ang nabakunahan ng para sa tigdas imbis na 8300. Habang mahigit sa 400 o 18 % lamang ng sa 2600 grade 7 students ang naturukan ng bakuna para sa tigdas .
Bukod umano sa mga barangay health centers,
nagsisimula nang mag-uli sa bahay-bahay ang mga health personnels ng cho upang
magbigay ng bakuna kontra tigdas, vitamin a, at anti-polio sa mga bata.
Bagaman
obligadong magpaturok ng anti-measles vaccine ang mga batang edad 6 na buwan
hanggang 5 taong gulang, maaari rin umanong magpabakuna ang sino mang lampas na
sa nasabing edad.isa raw kasing airborn
desease ang tigdas na maaring dumapo sa kahit sino, mapa bata man o matanda .
Kaugnay nito , hinikayat ni caparros ang mga lucenahin na kumilos
at makiisa sa mga isinasagawang hakabnagin ng kanilang tanggapan laban sa
tigdas. Posible raw kasing magtuloy-tuloy ang measles outbreak sa bansalalo na’t papasok naang
panahon ng tigdas sa marso at abril.(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)