Pakikipag-tulungan ng pamunuan ng bawat barangay para sa maayos na kalusugan ng mga mamamayan ang kahilingan ng city health office sa bawat ...
Binigyang diin ng epi/cd coordinator ng cho na si beth caparros kamakailan ang nakababahalang pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa kung saan nangunguna ang calabarzon sa pinakang apektadong lugar sa region 4.
Bagay na labis na ikinababahala ng cho para sa mga lucenahin lalo na’t isang air-borne desease ang tigdas.
Ayon kay caparros, hindi nagpabaya ang kanilang tanggapan pagdating sa mga programang may kinalaman sa pagbabakuna. Sa katunayan, bagaman wala pang idinedeklarang measles outbreak sa bansa noong buwan ng oktubre hanggang disyembre nang nakalipas na taon, nagsagawa na ng catch-up vaccination ang kanilang tanggapan.
Dahil sa deklarasyon ng measles outbreak sa bansa, hiniling ni caparros ang kooperasyon ng bawat kapitan ng barangay upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng direktiba ng doh na mandatory vaccination sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 5 taong gulang.
Aminado kasi ang cho na kulang ang bilang ng kanilang empleyadopara sa 48 brgy. Health centers sa lungsod.
Bukod pa rito, hindi rin daw biro ang dami ng kanilang kailangang bakunahan. Sa mahigit 277,000 populasyon kasi ng lungsod ng lucena, mahigit 10 porsyento o 28, 0000 dito ang mga umeeded ng 6 na buwan hanggang 5 taong gulang.bukod pa umano ito sa bilang ng mga dumadagsang tao sa bawat barangay health centers dahil sa dengvaxia scare.
Binigyang diin din nito na sakaling magkaroon ng kaso ng tigdas sa isang barangay,siguraduhing agad na matuturukan ng ati-measles vaccine ang lahat ng myembro ng pamilya ng biktima. Sa oras daw kasi na magkaroon ng kaso ng tigdas sa isang lugar, maaring maapektuhan ang buong komunidad at mga karatig nitong barangay.(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)