Isa ang pilipinas sa mga bansang pinakamatinding gumamit ng social media at dahil ito ang teknolohiyang sikat, ginagamit na rin ng m...
Isa ang pilipinas
sa mga bansang pinakamatinding gumamit
ng social media at dahil ito ang
teknolohiyang sikat, ginagamit na rin ng mga kandidato ang midyum na ito sa
pangangampaya para sa mid-term elections sa darating na buwan ng mayo.
Kaugnay nito , kamakailan ay nagbigay ng paalala ang hepe
ng city commission on election na si atty. Anamei barbacena para sa mga kumakandidato hinngil sa inilabas na
pamantayan ng comelec para sa pangangampanya sa social media.
Nakapaloob umano sa section 9 ng inilabas na resolution no. 10488 ng comelec
na kailangan ng mga kandidato na isama sa kanilang statement of campaign
contributions and expenditures o (soce) ang mga nagastos sa pangangampanya sa
social media na isinusumite pagkatapos
ng halalan.
May mga pagkakataon daw kasi na
nangongontrata ang mga kandidato ng mga gagawa ng kanilang mga kampanya sa
iba’t-ibang medyum tulad na lamang ng
mga jingle o commercial sa radyo at telebisyon.
Pagdating naman sa social media,
dapat na ring irehistro ng mga partido at kandidato ang mga website, social
media accounts gaya ng facebook at twittee, at maging blogs na gagamitin ng mga
ito sa pangangapanya upang matiyak na
hindi lalagpas ang mga ito sa limitasyon ng maaaring gastusin sa
pangangampanya.
Ang mga hindi magbibigay ng kanilang soce ay maaaring
patawan ng "perpetual disqualification," kung saan hindi na sila
maaaring tumakbo sa mga susunod na halalan. Maaari rin silang makulong mula 1
hanggang 6 taon.
Ipinalala rin nito na sa ilalim ng batas, hanggang p3
lang ang puwedeng gastusin ng kandidatong may partido sa bawat botante, habang
hanggang p5 naman kada botante para sa mga tumatakbong independent.
Nilinaw rin nito na imo-monitor
lang ang halaga ng gagastahin para sa pagbuo ng campaign ad at pagpo-promote
nito sa social media at hindi ang mismong laman ng promosyon.(PIO
LUCENA/C.ZAPANTA)