Hinimok ng city commission on elections (comelec) ang mga lucenahin na makiisa sa kanilang tanggapan pagdating sa mga illegal campaign mate...
Matatandaang kamakailan lang ay nagsimula na ang campaign period ng mga kandidato sa pagka-senador at party list group para sa darating na mid-term elections sa ika-13 ng mayo.
Nangangahulugan lamang ito na dapat ay nabaklas na ng mga kandidato ang mga campaign materials na kanilang ikinabit bago ang campaign period.
Maituturing na kasing iligal ang paglalagay ng mga campaign materials gaya na lamang ng mga posters at tarpaulin sa mga lugar na hindi designated ng city comelec gaya ng mga nasa poste ng kuryente, kawad ng kuryente, sidewalks, overpass, at center islands sa lungsod gayundin ang mga campaign materials na lagpas sa itinakdang sukat na 2×3 feet.
Kaugnay nito, hinikayat ni city comelec officer atty. Anna mei barbacena ang mga lucenahin na maging mapagmaasid at agad na isumbong sa kanilang tanggapan ang ano mang illegal campaign materials na makikita sa bisinidad ng lungsod.
Aminado kasi ito na hindi kayang bantayan ng kanilang tanggapan ang lahat ng kandidatong lumalabag sa batas ngayong panahon ng kampanyahan.
Sa gagawing pagrereport, sinabi ng city comelec na dapat ilagay ng netizens ang klase ng paglabag, lugar kung saan nakita ang election materials, petsa kung kailan kinuhanan ang larawan at gamitin ang #sumbongsacomelec.
Maari rin umanong personal na dumulog sa kanilang tanggapan ang concerned citizen upang magreport. Sa ganitong paraan, makapagpapadala ang city comelec ng notice sa mga kandidato hinggil sa mga illigal campaign materials na kailangang tanggalin.
Ang mga kandidatong lumalabag sa polisiya hinggil sa campaign poster ay maaring maharap sa sanction kahit na hindi aware angmga ito sa kanilang campaign materials na nakakabit.
Nagbabala ang city comelec na ang illegal campaign posters ay itinuturing na isang election offense na maaaring makakaapekto sa kanilang pagtakbo sa darating na halalan sa mayo.(PIO LUCENA/C.ZAPANTA)