Halos sabay sabay na ginanap sa buong bansa ang unang araw ng maagang pagpaparehistro ng mga mag-aaral mula sa kinder garten at sa elementar...
Kamakailan ay naging matagumpay ang unang araw na isinagawang early registration 2019 sa Lucena East I Elementary School sa bahagi ng Barangay Marketview.
Pinangunahan mismo ng mga guro mula sa nasabing paaralan ang aktibidad na ito kung saan ay dinagsa ng mga magulangin kasama ang kanilang mga anak para maiparehistro mula sa naturang barangay.
Maaga pa lamang ay naroon na ang mga ito sa Lucena East I Covered Court.
Ang early registration 2019 ay may tema na “Makapag-aral ay Karapatan Mo, Magpalista” at magtatagal ito hanggang February 5.
Dito ay pumila ang mga nanay o tatay para huminging form.
At bago pa man maiparehistro ang mga bata ay nagkaroon naman ng maikling programa para sa mga magulangin dito.
Binati naman ni Nimfa Diala Master Teacher I ang mga magulangin at mga bata na naroon para makapagpalista.
Dito ay naging panauhin at nagbigay na kaunting kaalaman sina Margareta Cada Statistical Specialist mula sa Philippine Statistics Authority.
Sumunod na nagbigay ng kaniyang pananalita at ipinaliwanag mula naman sa Social Services ng pamahalaan panlungsod sa ilalim ng mga programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala si Manuel “Manning” De Mesa.
At ang kahulihan panauhin ay si Edith Regodon mula naman sa City Registrar’s Office kung saan ipinaliwanag nito kung paano ang gagawin sa pagkuha ng Birth Certificate, Marriege Contract at iba pa.
Pagkatapos naman ng pananalita ng mga naging panauhin ay binigyan ang mga ito ng certificate of recognation bilang pasasalamat ng naturang paaralan sa kanilang ibinahaging kaalaman.
Samantalang mayroon naman pinagkaabalahan ang ilang mga kabataan dito sapagkat pinagkulay ang mga ito.
Matapos naman ang orientation ay binigyan ng laruan, candy at lobo ang bawat bata na naroon.
Sa huli ay pumila na ang mga magulangin upang ipasa na sa mga guro kanilang form sa kinder garten, grade one, mga nagbabalik eskuwela at sa ALS. (PIO-Lucena/J. Maceda)