Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Expanded Primary Care Benefits para sa mga manggagawa, isinusulong ng Philhealth

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang bahagi ng kanilang ika-24 na taong anibersaryo, pinangunahan ng tanggapan ng Philhealth Regional Office a...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang bahagi ng kanilang ika-24 na taong anibersaryo, pinangunahan ng tanggapan ng Philhealth Regional Office ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes, ika-11 ng Pebrero.

Sa temang “Tulong sa kalusugan para sa lahat”, ibinahagi ni Field Operations Division Chief Arturo C. Ardiente ang pasasalamat ng kanilang tanggapan sa pamahalaang panlalawigan na naging kaakibat sa pagkamit ng universal coverage para sa mga mamamayan ng lalawigan.

Isa sa mga mekanismo na ipinatutupad ng Philhealth ay ang point of service sa mga ospital sa lalawigan tulad ng Quezon Memorial Hospital at mga district hospital na matatagpuan sa probinsya. Sa pamamagitan nito, ang isang indibidwal na hindi pa covered bilang miyembro ng Philhealth service ay maaaring makakuha ng enrollment sa oras ng kanyang pangangailangan.

Dagdag ni Ardiente, ang partnership ng Phillhealth sa pamahalaang panlalawigan ay isa sa mga naging daan upang magkaroon pa sila ng mas malawak na network sa pagbibigay katuparan ng universal health coverage para sa mga kapwa Pilipino.

Isa pa rin sa mga mekanismo na kasalukuyang pinagtutuunan ng kanilang opisina ay ang pagkakaroon ng expanded primary care benefit para sa mga empleyado mula sa pribado at gobyernong ahensya. Sa pamamagitan nito, ang mga kawani na nasa working sector ay magkakaroon ng taunang check-up sa mga piling pasilidad na accredited ng Philhealth.

“Isa po ito sa bibigyang-daan at bibigyang-diin sa Philhealth Forward. Sabi nga namin, there is no way that any Filipino in this country ay hindi makaka-avail ng ating Philhealth benefits under the Health Insurance Program. In the passage of universal health care, there’s no way but move forward. Cover more Filipinos.” pagbabahagi ni Ardiente.

Ipinaabot naman ni Acting Provincial Administrator Roberto Gajo ang pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan sa Philhealth sa maraming taon ng pagtutulungan upang makapagbigay ng mahusay ng serbisyo para sa mga kababayang Quezonian.

Ayon kay Gajo, patuloy na sinisikap ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamamahala ni Gob. David C. Suarez ang pagbibigay ng mga pangunahing panangailangan ng mga kababayan kabilang na ang paglalaan ng pondo para sa mga inobasyon, pagpapabuti ng mga pasilidad at iba pa. (Quezon – PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.