Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

General assembly ng mga senior citizens sa Brgy. Mayao Kanluran, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang general assembly ng mga senior citizens ng Brgy. Mayao Kanluran si mayor Rodrick “Dondon” A...

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang general assembly ng mga senior citizens ng Brgy. Mayao Kanluran si mayor Rodrick “Dondon” Alcala kamakailan.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa covered court malapit sa barangay hall ng nasabing lugar.

Nakasama ng alkalde sa pagtungo dito sina councilors Anacleto Alcala III, Vic Paulo, Benny Brizuela na tumatakbo bilang partylist representative na Peoples Champ Guardians, mga aspiring councillors na sina Engr. Danny Faller, Engr. Jose Christian Ona, Amer Lacerna, Executive Assistant IV Joe Colar at Chairwoman Adela Nave.

Sa naging takbo ng programa dito, isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga nabanggit na konsehales na kung saan ay kanilang ipinarating ang pagbati at pasasalamat sa lahat ng mga naitulong ng mga ito para sa kanila tulad na lamang ng paggabay ng mga ito.

Samanatala sa naging mensahe naman ni Mayor DOndon Alcala, binigyang pasasalamat nito ang mga lolo at lolang nakibahagi sa naturang aktibidad dahilan sa pagsuporta nila sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod.

Inilahad rin ng alkalde sa mga dumalo dito ang mga programa at proyekto para sa kanilang sector tulad na lamang ng pamamahagi ng birthday cash gift sa pagsapit ng kaarawan ng mga ito, libreng sine at ballroom gayundin ang libreng salamin sa mata sa ilalim naman ng programang Oplan Mata ng Bagong lucena Health Program.

Buong ipinagmalaki rin ng punong lungsod na isa ang sector ng senior citizens na mayroong pinakamalaking budget para sa ngayong taon.

Ito aniya ay upang mas mapagkalooban pa ng iba pang benipisyo ang mga lolo at lolang Lucenahin at bilang pasasalamat na rin sa mga ito sa lahat ng mga pangaral at paggabay sa mga nakababatang Lucenahin.

At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay masayang nagpakuha naman ng larawan ang mga senior citizens na nakibahagi dito sa alkalde.

Lubos ring pinasalamatan ng presidente ng mga senior citizens sa naturang lugar ang pagdalong ito ni Mayor Alcala sa kanilang okasyon.

Ang pagtungong ito ni mayor Dondon Alcala ay bilang pagpapakita niya ng pagsuporta sa hanay ng mga nakakatandang Lucenahin dahilan sa isa sa mga prayoridad na sector nito ay ang mga senior citizens.

At ito ay bilang pagbibigay na rin sa mga ito ng tamang pagpapahalaga at pagbibigay galang sa lahat ng mga naitulong nito para sa lungsod ng bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.